REJECTION hurts. But for Kaia, it's away for her to get motivated.
Nanatiling pabebe pa rin si Dashrielle. Pero nanatiling determinado pa rin si Kaia. Sa ngayon ay nagpunta siya sa Elite Manila Club---isang exclusive resort. Member roon ang Daddy niya at ginamit niya ang membership nito para makapasok roon.
Nanatili man na may communication ay pakiramdam ni Kaia ay iniiwasan pa rin siya ni Dashrielle. Hindi na ito pumapayag na lumabas sila sa mga kadahilanan na sinabi nito noong dinner nila. He remained just in contact with phone. Pero kulang iyon kay Kaia. She needed personal interaction to have her plan succeed.
Kaya naman nagpunta siya sa paboritong tambayan raw ni Dashrielle tuwing Biyernes ng gabi. Sinadya niya ang lalaki at nagpatuloy pa rin sa plano niya sa kabila ng mga pagtanggi nito...
"You are kidding me," kunot ang noo ni Dashrielle nang sabihin niya na okay lang naman sa kanya kung maging unfaithful ito sa kanya.
"I am not. Alam ko na mabigat ang hinihingi ko sa 'yo. So pinapagaan ko lang ang mga bagay-bagay."
"Girls are born to be clingy. Kaya nga nakaka-allergic sila,"
"But not me. We are in an arranged marriage. At alam ko naman na kakaiba ito. We don't love each other. Bakit kakailanganin ko ng isang lalaki na faithful?"
"I don't trust,"
"I can't blame you. Pero kung ang talagang problema mo ay ang pagiging faithful, worry no more. Your problem is solved..."
"But it is still a no for me..."
Naiintindihan naman ni Kaia na hindi madali ang pag-convince kay Dashrielle. Nagsisimula pa rin siya. Marami pa siyang puwedeng pagdaanan. Kaya kahit medyo nakaka-frustrate ang sitwasyon niya dahil hindi niya ugali na maghabol ay tinitiis na lang niya. Sa pagpapahirap rin sa kanya ay mas lalo rin siyang nacha-challenge para pagbutihan ang pagkumbinsi rito.
Kulang pa ang sexy outfit ni Kaia. Kaya naman kailangan niya pa ng mas sexy---and that is to show a lot of skin. Tamang-tama naman iyon sa lugar na pinupuntahan pala madalas ni Dashrielle.
Pumili si Kaia ng swimsuit na alam niyang mag-i-stand out siya. She chooses again the red color. Bagay kasi iyon sa maputing balat niya. It's also a two piece swimsuit na na-push ng dibdib niya. Kahit ang mga babaeng nakasabay niya sa rest room ng resort kung saan siya nagpalit ng damit ay panay ang tingin sa kanya. She could also see the jealousy and insecurity on their eyes.
Hindi sanay si Kaia na magsuot ng swimsuit. Pero sa nakikita niyang reaksyon ng mga babae ay nagkaroon siya ng confidence na may talagang ipagmamalaki naman pala siya.
Ewan ko na lang kung ipilit mo pa rin na layuan ako personally, Dashrielle!
Lumabas si Kaia na nakataas ang noo. Habang proud na proud na binabalandra ang katawan sa tabing swimming pool ay hinanap niya si Dashrielle. Dahil exclusive club resort ay kakaunti lang ang tao roon. At nahanap naman niya kaagad si Dashrielle.
Dashrielle is at the nearby gazebo. May kasama pa itong tatlo lalaki. Lahat ng mga ito ay nakatingin sa kanya habang naglalakad. Napansin pa nga niya na ang isa ay siniko ang katabi nito at halos lumuwa ang mga mata.
Nagpakawala ng isang flirty na ngiti si Kaia. Kumaway pa siya sa lalaki. Hindi naman niya nagustuhan ang reaksyon nito. Napatiim-bagang ang lalaki. Clearly, he didn't like seeing her here.
Ayaw na agad sa akin? Errr...
Disappointed man ay inilipat na lang ni Kaia ang tingin mula sa mukha ni Dashrielle. He was wearing a board shorts so his naked top is visibly seen. At kahit may kalayuan siya rito ay malinaw pa rin na nakikita niya ang washboard stomach nito. Sa pagtingin pa lang noon ay parang may kung ano ng bumikig sa lalamunan niya. He looks so hot wearing a swimming outfit. But Kaia knows a lot more. Mas hot ang lalaki kung tatanggalin nito ang lahat ng outfit.
Kaia felt distracted by the thought and sight. But who wouldn't be? Nakita na niya ang kabuuan ni Dashrielle at ang katawan na kagaya ng meron ang lalaki ay mahirap kalimutan.
Napalunok si Kaia. Napapikit rin siya sandali. The plan was to seduce Dashrielle. Pero siya pa yata ang nase-seduce. Kainis!
Pero tuloy ang laban.
Ibinalik ni Kaia ang tingin sa mukha ni Dashrielle bago pa man siya mademonyo ng tuluyan. Sinalubong niya ang mga mata nito. May apoy na naman mula roon. Kaya nga lang ay hindi niya sigurado kung saan galing---kung sa desire pa rin ba sa kanya o sa inis pa rin sa kanya. But then, it still distracted her. The fire in his eyes made her feel on fire. Medyo natutuliro tuloy siya pero hindi niya pa rin maalis ang tingin rito kahit pakiramdam niya ay napapaso na siya.
"Kaia!" Bumuka ang bibig ni Dashrielle. His face is still mad, pero may halo ng pag-aalala. Ganoon rin ang boses nito nang sinigawan siya. Nalito tuloy siya. Bakit naman ito mag-aalala? Nasa panganib ba siya?
Napatingin tuloy si Kaia. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang nasa edge na siya ng swimming pool. And before she knew it, she already stepped and get distracted by the situation.
Nahulog si Kaia sa pool.
BINABASA MO ANG
Flawed (COMPLETED)
General FictionAn erotic romance novel about arranged marriage and a rare disease. Soon to be published under LIB Bare.