31

19.2K 372 31
                                    

MASAKIT ang ulo ni Dash nang maggising siya sa tunog ng cell phone niya. Inis tuloy na sinagot niya ang tawag.

"Okay ka lang?" bati nang tumawag.

Sandaling tinignan ni Dash ang screen ng cell phone niya. It was Seymor. Pumikit na lang siya ulit pero nagpatuloy sa pagkausap rito. "Bakit ka ba tumatawag?"

"Masama bang kumustahin ka?"

"O si Kaia?"

"Yeah. Kumusta kayo?"

Hindi nakasagot kaagad si Dash. Mabigat pa rin ang loob niya. Pagkatapos niyang malaman ang sikreto ni Kaia ay umalis siya ng kuwarto nila. Naghanap siya ng bukas pa na bar at nagpakalasing. Nang magsara naman na iyon ay bumili pa siya ng alak na puwede niyang mainom at dinala sa hotel. Nagpa-book siya ng bago at sariling kuwarto sa hotel kung saan dapat ay magkasama sila ni Kaia.

Gustong makalimot ni Dash. Pero kahit naman siguro sinong nasa sitwasyon niya ay ganoon rin ang mararamdaman. He had been waiting for this day. But he was so disappointed. Big time.

Dash married an incapacitated woman...

"Dash?"

"Hindi okay," Nasagot na rin ni Dash si Seymor sa sobrang sama ng loob.

"Ha? Bakit? Nag-away kayo? Inaway mo si Kaia?" Nagbago ang boses ni Seymor. Nagalit na ito. "Ikaw talaga, Dash! Kung aawayin mo rin lang naman pala siya, sana ay ibinigay

"Nagsinungaling siya sa akin."

"Nagsinungaling? Saan?"

Medyo matagal rin na nakasagot si Dash sa kaibigan. Nag-alinlangan kasi siya kung sasabihin niya kay Seymor ang nangyari. Pero sa kabila naman ng lahat, tinuturing niya na matalik na kaibigan si Seymor. At kailangan niya ng release.

Kinuwento rin ni Dash ang mga natuklasan kay Kaia.

"May sakit siya," mahinang wika ni Seymor. May lungkot sa boses nito.

"At hindi ko alam kung magagamot pa ba iyon," Ito ang unang beses na na-encounter ni Dash ang ganoong sitwasyon. Isa pa, alam naman na ni Kaia ang sitwasyon nito at mukhang hindi nito iyon gusto. And if so, she should have done something about it.

Maybe, there's no other way. And damn it because he was trapped on it.

"Susukuan mo na ba siya?"

Sa pagkakataong iyon, hindi na talaga nakasagot si Dash.


--

A/N

Susuko na rin ba ako? HAHAHAHAHAHAHA.

Flawed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon