60

19.6K 423 25
                                    

A/N

- Hello po! Sorry na-double UD ako kahapon. Akala ko kasi ay hindi ko pa napopost yung part na yun kaya nagpublish ako. Sorry sa mga umasa na may part 60 kahapon. *PEACE* Pero ito naaa! Ang totoong part 60. Bago at published na. Haha. Happy reading!

Sa mga readers pala ng Rashid, The Married Playboy, iko-complete ko na po ang story niya. Sa mga hindi pa nakakapagbasa, sana mabasa niyo na rin siya. Salamat :)

---


HAPON pa sana ang flight ni Dashrielle pabalik ng Pilipinas. Pero pinili niyang i-reschedule iyon ng mas maaga. Bukod kasi sa miss na miss na niya ang asawa, may pakiramdam rin siya na hindi maganda ang pakiramdam nito. Simula nang lumipad siya papunta ng Singapore ay madalas na dinadaing nito na nahihilo ito. Nag-aalala na siya sa asawa. Kagabi nga ay hindi na niya natawagan ito dahil maaga itong nagpaalam sa kanya para matulog.

Hindi na pinaalam ni Dashrielle ang pag-uwi niya ng maaga. Baka kasi mag-abala pa si Kaia at sunduin siya sa airport. Nagtaxi na lang siya papunta sa bahay. Nasa kama pa si Kaia nang dumating siya. Hindi rin maganda ang itsura ng mukha nito. Namumutla ito.

Napakunot ang noo ang asawa nang makita siya. "Bakit nandito ka na?"

Lumapit si Dashrielle sa asawa. Hinalikan niya ang noo at labi nito. Tinabihan rin niya ito sa kama. "Kasi gusto na kitang makasama."

"Hmmm..."

Pinisil niya ang pisngi nito. "Ayaw mo yata, ah?"

Huminga nang malalim si Kaia. Pagkatapos ay humiga ulit sa kama. She covered her body with a blanket.

"May sakit ba ang sweetheart ko?"

Umiling si Kaia.

"Nagtatampo?"

"N-no."

"Then...?"

Lumunok muna si Kaia pagkatapos ay tinitigan siya. Umupo na ulit ito sa kama at bumuntong-hininga. Pagkatapos ay tumingin ito sa beside table ng kama. Pinakuha nito sa kanya ang papel na nakapatong roon.

"Ano ito?"

"See for yourself."

Binasa ni Dashrielle ang nilalaman ng papel. Nanginig siya nang ma-realize kung ano iyon. "You went to see the Doctor yesterday?"

"Bakit hindi mo sinabi sa akin? Bakit hindi mo ako hinintay?" Parang naiiyak si Dashrielle. "Oh God. I'm going to be a Dad!"

Niyakap ni Dashrielle nang mahigpit ang asawa. Pinugpog rin niya ng halik ang mukha nito. "Ang saya-saya ko. You made me the happiest man in the world right now."

Maliit lang ang ngiti ni Kaia. Nag-alala tuloy siya.

"T-teka, hindi ka pa ba handa?"

"Hindi naman sa ganoon. Masaya rin naman ako. Sa isang babaeng kagaya ko, akala ko nga ay hindi na mangyayari ito."

"Then?" Hinaplos ni Dashrielle ang namumutlang mukha ng asawa. "Ah, baka nahihirapan ka. I'm really sorry that I was away for days. Hindi kita naalagaan."

"I can bear it. No worries about that. Anak ko ito at titiisin ko ang lahat ng sakit para sa kanya."

"Anak natin." Kinuha ni Dashrielle ang kamay ng asawa. Pinisil rin niya iyon.

"Y-yeah..." wika ni Kaia pero naglihis naman ng tingin sa kanya.

Napalitan na naman ng pag-aalala ang kaninang masayang pakiramdam ni Dashrielle. "Pero bakit parang hindi ka masaya?"

"W-wala ka pa ba talagang alam?"

"Alam? Anong meron?"

Humikbi si Kaia. "It is getting viral, Dashrielle."

"Viral? Ang pagbubuntis mo?" Nakakunot ang noo ni Dashrielle. "Wala akong alam, sweetheart. I'm sorry. Hindi kasi ako nagbubukas ng social media simula kahapon."

"I see. Ako rin naman sana ay ayaw magbukas. But I received an email." Kinuha na nito ang cell phone niya. "May nagleak sa media ng tungkol sa kalagayan ko at gusto nila akong interview-hin. I-I don't know what to do and say now..."

And so is Dashrielle...

Flawed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon