MAS NAGKAROON si Kaia ng rason para sundin ang utos ng Daddy niya. Hindi lang niya matutulungan ang business at mapapasaya ang Daddy niya kapag nagpakasal siya kay Dashrielle, mapapasaya rin niya ang sarili niya. May binuhay si Dashrielle sa kanya na akala niya ay hindi na niya mararamdaman pa. And it will satisfy her. Mabibigyan rin siya noon ng peace of mind.
Kaya mas naging determinado pa si Kaia. Kahit alam lang naman niya ang kayang ibigay sa kanya ni Dashrielle ay pinili niyang magpumilit pa rin. Niyaya niya ang lalaki na mag-dinner. Pumayag naman ito.
Pinaghandaan ni Kaia ang dinner. Sinigurado niya na nagsuot siya ng damit na magugustuhan ni Dashrielle. She wore a sleeveless red dress. It was four inches above the knee kaya expose ang makinis at may kaputian na hita niya. Hapit rin ang damit na suot niya sa katawan. Nagpush up bra rin siya para ma-enhance ang size B lang niyang dibdib. She knew she looks sexy and smashing but in a sophisticated way. Naglakad siya na ultimo modelo habang papalapit sa table. Naghihintay na roon si Dashrielle.
As expected, halos lumuwa nga ang mata ng lalaki. It is clear that the man is always hungry for sex. Kaya naman ginawa niyang weapon ang katawan niya sa gusto niya. Hindi man iyon ganoon kagandahan dahil alam niyang may kaliitan ang ibang bahagi pero sapat na rin para makaakit ng lalaki.
At alam ni Kaia na iyon ang gusto ni Dashrielle. She will seduce him until he gives what she wants. Hindi magiging madali. Pero alam niya ang mga gusto ng lalaki. Kahinaan ng mga ito ang mga babae at tawag ng laman. He will crave for her so much. At kapag hindi na nito nakaya ay bibigay rin ito.
"You really do want it, huh?" Namimilog ang mga mata ni Dashrielle pagkatapos siyang maalalayan na makaupo.
Ngumisi si Kaia. "Ako dapat ang nagtatanong ng question na 'yun. You really want me,"
Nagkibit-balikat si Dashrielle. "It's obvious. Ikaw lang naman itong pakipot,"
Tumawa si Kaia. "Ikaw, o ako?"
Tinaasan siya ng kilay ni Dashrielle. "Ang tinutukoy mo na naman ba ay ang tungkol sa kasal?"
"But of course..." Kinuha ni Kaia ang kamay ni Dashrielle na nakapatong sa lamesa. She slowly caressed it. "I need you, Dashrielle."
Naramdaman ni Kaia ang panginginig ni Dashrielle. And somehow, she felt the same, too. At nang magtama ang mga mata nila ay parang nagkaroon ng apoy sa paligid. She could see it in his eyes, too.
"But I only need you in bed, Kaia."
Gustong mapatiim-bagang ni Kaia. Pero pinigilan niya. Determinado siya na mapakasal sa lalaki. Pero determinado lang ito sa isang bagay: ang maikama siya.
May bahagi ni Kaia na gustong bumigay roon. She needed something and she will only get it if Dashrielle will be successful in getting her in bed. Pero may bahagi pa rin siyang natatakot. Hindi niya pa rin sigurado ang lahat. At kapag nalaman ni Dashrielle ang sikreto niya ay lalo lang siyang mawawalan ng chance na maikasal rito. Hindi niya mapapasaya ang Daddy niya. Hindi niya matutulungan ang kompanya. At ang masaklap, hindi rin niya mapapantayan ang unang lalaki na sumira sa kanya...
Naglihis ng tingin si Kaia. Tinawag na niya ang waiter para maka-order na sila. Dumating naman ito at naging mabilis lang rin ang pagserve ng pagkain. Kumain na rin sila ni Dashrielle.
"Shall we call it a night?" wika ni Dashrielle nang matapos silang kumain.
Tumaas ang isang kilay ni Kaia. "Gusto mo na ba talagang matapos ang gabi?"
Umungol nang may halong frustration si Dashrielle. "You know I don't. You are wearing something that is a feast in my eyes. But I already know you, Kaia. Mukhang hindi ka basta-basta bibigay sa akin. And it's giving me a hard time. I wanted you but I cannot surrender with your whim..."
Namutla si Kaia. "A-are you giving up?"
"I don't know. I just do not know what to do when you are around. And it's kind of killing me..."
"Bakit ba ayaw mong magpakasal sa akin?"
"Gustong-gusto kita. Parang kakaiba rin ang pagnanasa na nararamdaman ko sa 'yo. It's hard to control. But there are promises in marriage that I cannot give..."
"Just like?"
"Being faithful. Hindi ko alam kung makakaya ko ng magseryoso at makipag-commit. Heck, ni hindi pa nga ako nagkakaroon ng seryosong girlfriend. I just want to play around..."
Ah iyon lang pala... Parang nawala naman ang tinik sa puso ni Kaia. Nabuhayan na naman siya ng pag-asa.
"Ganoon? Pero sino bang nagsabi sa 'yo na required kang maging faithful sa akin kapag kasal na tayo?"
Kumunot ang noo ni Dashrielle.
BINABASA MO ANG
Flawed (COMPLETED)
General FictionAn erotic romance novel about arranged marriage and a rare disease. Soon to be published under LIB Bare.