ISANG linggo pa ang lumipas at lumipat na sina Kaia at Dashrielle sa bago nilang bahay. Hindi pa iyon ganoon kaayos pero dahil excited ay nakalipat na sila. Malinis at may mga gamit na rin naman sila roon. Hindi nga lang kompleto pero tama na sa pagsisimula.
Sa hapon nang paglipat nila ay naghanda sila ng munting housewarming. Invited ang immediate family nilang dalawa ni Dashrielle. Nakapunta naman ang magulang ni Dashrielle at ganoon rin ang ama ni Kaia. Mabuti rin ang pakiramdam ng ama niya kaya naman nakarating rin ito.
"Natutuwa akong makita na mukhang nagkakasundo kayo." Puna ng ama niya sa kanilang dalawa ni Dashrielle. "Pero kailan niyo ba ako bibigyan ng apo?"
Inakbayan siya ni Dashrielle. "We are working on it."
Tinapik ng ama ni Kaia ang balikat ni Dashrielle. "Hindi talaga ako nagkamali na ipagkasundo ka sa anak ko. Tinutupad mo ang gusto ko. Narinig ko rin na gusto ka ng mga tauhan ko bilang bagong boss nila."
Mabilis na isinakaturapan ng Daddy niya ang usapan nito at ni Dashrielle. M-in-erge ang company na pinamamahalaan ng asawa at pati na rin ng Daddy niya. Si Dashrielle na rin ang pinaka-nagmamanage sa lahat kaya naman talagang busy ito.
Nag-usap ang Daddy niya at si Dashrielle. Siya naman ay nakipagbonding sa mother-in-law niya. Hindi niya masyadong nakakasama ito kaya hindi sila close. Pero mabait naman ito at parang anak rin kung ituring siya. Kasama niya itong nag-asikaso ng mga lulutuin na pagkain sa dinner. Bukod kasi sa pamilya ay darating naman mamayang gabi ang mga kaibigan ni Dashrielle na si Seymor, Cato at Pierre. May inuman session yata ang apat na magkakaibigan mamayang gabi sa garden ng bahay nila.
Bago naman dumating ang mga kaibigan ni Dashrielle ay nakaalis na ang parehong pamilya nila. Pero hindi kompleto ang barkadahan. Absent si Seymor. Si Cato at Pierre lang ang dumating sa bahay.
"Nasaan si Seymor? Alam niyo ba kung bakit hindi nakarating?" Si Seymor ang masasabi ni Kaia na malapit sa kanya sa mga kaibigan ni Dashrielle. Pero hindi dahil sa alam niyang may nararamdaman ito sa kanya. Ang lalaki kasi ang pinakamabait sa apat kaya naman madali lang itong makagaanan ng loob.
"Nagkaproblema yata sila ng future wife niya." Si Cato ang sumagot.
"Future wife?" Pareho sila ni Dashrielle na nagulat.
"Oo. Mukhang binenta na rin niya ang sarili niya." Natatawa si Cato. "Anyway, alam mo naman na inggit iyon sa inyo kaya hindi malabo na mag-asawa nga iyon kaagad. He's so hopeless romantic."
Curious si Kaia sa nangyari kay Seymor. Pero parang wala rin na alam ang tatlo.
Inasikaso ni Kaia ang magkakabarkada. Pero hindi rin naman nagtagal ang mga ito. Pagod na raw si Pierre at si Cato naman ay may katatagpuin pa na babae.
"Napadaan lang talaga ako dahil nahihiya naman ako na hindi pumunta." Tinignan siya ni Cato. "Salamat sa pag-imbita."
"You're welcome. Welcome rin kayo na bumalik sa bahay."
"That's for sure. O, paano? Mauna kami, ha." Nagpaalam na ang lalaki at ganoon rin si Pierre.
Nang makaalis ang mga bisita nila ay hinalikan siya ni Dashrielle. "Now we are finally alone."
Tumawa si Kaia. "With a lot of dishes and things to clean."
Dahil bago pa lang sila ni Dashrielle sa bahay ay hindi pa nila napapag-usapan ang mga kasambahay. Hindi pa naman siya pinagtatrabaho ng asawa kaya naman gusto niyang akuin ang trabaho rin na iyon.
Umungol si Dashrielle. "Bukas na natin gawin 'yan."
Inikutan niya ng mata ang lalaki. "Ayaw kong matulog na makalat ang bahay."
Napakamot si Dashrielle. "Me, too. Pero may gusto akong ipaggawa sana sa 'yo, eh."
"Hmmm... Ano naman 'yun?"
"You'll know later." Kinindatan siya ng asawa. "On another point, ako na lang muna ang maglilinis at umakyat ka na ng kuwarto."
"Bakit? Ano namang gagawin ko doon?"
Nakakalokong ngumiti si Dashrielle. "You'll know when you get there. I'll just say, get yourself ready."
Tinalikuran na ni Dashrielle si Kaia at nagpunta na sa kusina para mag-umpisang maglinis. Na-curious naman siya kaya sinunod niya si Dashrielle. Umakyat siya ng kuwarto.
Nagulat si Kaia nang makitang naka-ayos ang masters bed room. Dahil naging abala sa paghahanda para sa maliit na house warming, umaga pa nang huli siyang umakyat ng kuwarto. Wala pang ayos iyon. But now, their new acquired king size bed has roses scattered in it. May mga kandila rin na nakasindi sa kuwarto. It looks so romantic.
Natunaw ang puso ni Kaia. Dashrielle surely surprised her.
Lumapit si Kaia sa kama. Tinignan niya ang laman ng paper bag na naroroon. Ilang beses siyang napakurap nang makitang isa iyong red lingerie. Namula tuloy siya. Hindi pa man naisusuot, pakiramdam niya ay magiging litaw ang hubog ng katawan niya roon.
But there is no need to hide.
Isang linggo rin na hinintay ni Kaia ang moment nito. Naging abala pa rin kasi si Dashrielle sa trabaho kaya naman hindi pa nangyayari ang kinasasabikan niya. Sure, they had moments. But they never went to the point of no return. Para kasing may nagho-hold back kay Dashrielle.
Pero ngayon ay naintindihan na ni Kaia kung bakit. Dashrielle is waiting for the right time. And tonight will be the night.
--
A/N
Excited na ba kayo? Malapit ng mag-New year! Hahaha
BINABASA MO ANG
Flawed (COMPLETED)
General FictionAn erotic romance novel about arranged marriage and a rare disease. Soon to be published under LIB Bare.