GOOD morning, my wife in a few hours...
Bumungad kay Kaia ang text na iyon mula kay Dashrielle. Today is their wedding day.
Good morning. Excited? reply naman niya rito.
Nagreply kaagad si Dashrielle. Emojis lang ang ni-reply nito---donut at eggplant. Napailing-iling tuloy si Kaia. Alam na niya ang ibig sabihin noon---sex.
Masyadong polluted talaga ang utak ng lalaki. Pero sanay na roon si Kaia. Napailing-iling na lang na nireplyan niya ito. "Have patience. I will be busy today. See you at the altar later,"
Nagreply lang ulit ng emoji ang loko. Dila naman ngayon.
Hindi na ulit ni-replyan ni Kaia ang lalaki. Bumangon na siya ng kama. Tama lang naman ang gising niya para sa mga gagawin na seremonyas para sa kanya sa kasal. Nag-almusal muna siya. Nakasabay niya roon ang kanyang ama. Nagbatian silang dalawa.
"Excited for today?" May liwanag sa mga mata ng ama ni Kaia. Kung titignan ay parang wala itong pinagdadaanan na malubhang sakit. Kaya kahit hindi pa rin lubos na okay sa kanya ang kasal ay pinipilit niyang tanggapin. Seeing him so happy like that is priceless. Gagawin niya ang lahat para rito.
"Yeah. But a little nervous, too..."
"Ganyan naman daw talaga sa una," wika nito at may iniabot na envelope sa kanya. "Regalo ko nga pala sa inyo ni Dash,"
Medyo natawa si Kaia. "Regalo? Ang aga niyo naman po na magbigay. Mamaya na lang sana,"
"Para hindi ka na masyadong magulat. Buksan mo na,"
Sinunod ni Kaia ang ama. Tumambad sa kanya ang flight tickets at hotel bookings. Ilang beses siyang napakurap. "You booked us a honeymoon package..."
Tumango ang ama. "At ngayong gabi, pagkatapos ng reception ng kasal niyo ang alis,"
Namutla si Kaia. "What? Masyado namang mabilis..."
"Alam mo ang kalagayan ko, Kaia. Taksil minsan ang sakit na ito. Hindi ko alam kung ilan na lang ang buwan na itatagal ko. At alam mong gustong-gusto ko ng magkaapo..."
Napalunok si Kaia. Kung kanina ay medyo excited pa siya, ngayon ay napalitan na lang iyon ng kaba at pressure. Paano ba niya maipapaliwanag sa ama niya ang kondisyon niya? Ang mga puwedeng mangyari?
May kamalian rin ang pagpayag ni Kaia sa gusto ng kanyang ama. Everything will be unfair. Masasaktan niya si Dashrielle. Aasa ang kanyang ama.
Pero masyadong na-pressure si Kaia nang dalhin ito sa ospital. All she wanted to do is to give him hope and happy...at least for the mean time. Hindi man niya magagawa ang lahat ng kagustuhan nito pero maiintindihan rin naman nito siguro iyon sa tamang panahon. Hindi lang muna sa ngayon. Ang mahalaga ay maging masaya ito sa ngayon. After all, hindi pa rin naman siya sigurado sa lahat.
Natahimik na lang si Kaia habang kumakain ng breakfast. Inakala naman ng kanyang ama na natahimik siya at kaunti lang rin ang kinain dahil ninenerbiyos siya sa kasal. Wedding jitters kumbaga. Ilang beses tuloy siya nitong pinapakalma. But still, there is no help.
Mabilis na rin tuloy na tinapos ni Kaia ang breakfast. Umakyat na siya ng kuwarto niya at nagdesisyon na maligo na. Isang oras na lang ay darating na ang mag-aayos sa kanya. Pero bago mangyari iyon ay napatingin siya sa salamin. Tinitigan niya ang kanyang repleksyon.
"Handa na ba talaga akong magpakasal?" Naitanong ni Kaia sa sarili.
Totoong may excitement si Kaia ngayong araw. She would love to see herself walking down the aisle in a beautiful dress. Na-attached na rin siya kay Dash at parang nagugustuhan ito. She will feel good seeing him and waiting for her in the aisle. She will have an event most woman dreams. It is a happy event.
Ang susunod nga lang sa kasal ang pinaka-nakakatakot.
Honeymoon. Sex. Penetration...
Napapikit si Kaia. Huminga siya nang malalim para alisin ang takot. Pero hindi na naman iyon nakatulong...
Nang magmulat ulit si Kaia ng mga mata at mapatingin sa repleksyon ay napatanong ulit tuloy siya.
"Handa ka na bang ipahiya ang sarili mo ulit?"
BINABASA MO ANG
Flawed (COMPLETED)
General FictionAn erotic romance novel about arranged marriage and a rare disease. Soon to be published under LIB Bare.