ILANG araw ng hindi kagandahan ang pakiramdam ni Kaia. Madalas siyang nahihilo at parang gusto lang na matulog. Ang nakakalungkot pa ay saktong may business meeting ang asawa Singpore. Noong isang araw ito umalis at bukas pa ang balik nito.
Nami-miss na ni Kaia si Dashrielle. Araw-araw man siyang tinatawagan nito ay parang kulang pa rin. She missed his presence, kisses, touch and even the thrusts. Kailangan niya ang asawa.
Pero hindi lang si Kaia ang responsibilidad ni Dashrielle. At kailangan niyang intindihin iyon. Titiisin na lang niya ang kalungkutan. Pauwi na rin naman ang asawa bukas. Baka kaya lang sobrang nami-miss niya ito dahil hindi ganoon kaganda nga ang pakiramdam niya.
Kaya lang ay nag-alala si Kaia sa sarili niya nang dumating ang hapon at nahimatay siya. Patayo siya noon ng kama nang maramdaman niyang parang umiikot ang paligid. Sa tantiya niya, ilang minuto lang naman iyon pero sapat na para matakot siya.
Pinag-isipan ni Kaia kung sasabihin kay Dashrielle ang nangyari. Pero naalala niyang may importanteng business dinner ito ngayong gabi. Hindi rin daw siya nito matatawagan hanggang alas diyes ng gabi dahil bawal itong maabala. Kaya napagdesisyunan na lang ni Kaia na pumunta ng ospital mag-isa. Feeling niya ay kailangan na niyang magpatingin sa Doctor, lalo na at hindi rin nga maganda ang pakiramdam niya sa nakalipas na araw.
Dumiretso na si Kaia sa emergency room dahil wala ng bukas na clinic. Mag-aalas siyete na nang makarating siya ng ospital.
"Baka buntis po kayo, Ma'am." Ngiting-ngiti naman na sabi ng Doctor na tumingin sa kanya nang sabihin niya ang mga naramdaman niya.
Napakurap si Kaia. Hindi niya naisip iyon. Mag-iisang buwan na nga pala simula ng may nangyari sa kanila ni Dashrielle. It is a possibility.
"Puwede niyo ba akong i-test kung ganoon nga para makasigurado?"
Sinunod si Kaia ng Doctor. Isang oras ang nakalipas ay alam na niya ang resulta noon: buntis nga siya.
Halos maiyak si Kaia sa tuwa sa nalaman. Kinamayan siya ng Doctor. "Congratulations."
Thank you..."
Pinayuhan si Kaia ng Doctor ng mga kailangan niyang gawin. Sinigurado rin siya nito na normal naman ang nararamdaman niya sa kalagayan niya. Binigyan rin siya nito ng vitamins na puwedeng inumin.
Nang makalabas ng ospital ay nanginginig sa tuwa si Kaia. Gustong-gusto na niyang tawagan si Dashrielle para ipaalam rito ang magandang balita. Pero ilang oras na lang naman at matatawagan na siya nito.
Kaya lang, sobrang excited ni Kaia. Hindi na siya makapaghintay.
Errr... puwede naman siguro siyang i-text. Isa pa, urgent news ito!
Ngiting-ngiti si Kaia na kinuha ang cell phone niya. Right, puwede naman niya itong i-text. Pero sa sa halip na maggawa, naagaw ng atenyon niya ang mga nag-appear sa screen ng phone niya. Naka-receive siya ng email.
Napakunot noo si Kaia. Na-curious siya kaya binuksan niya ang email.
Namutla si Kaia nang mabasa ang laman noon...
BINABASA MO ANG
Flawed (COMPLETED)
General FictionAn erotic romance novel about arranged marriage and a rare disease. Soon to be published under LIB Bare.