32

19.1K 361 36
                                    

NAGISING si Kaia na naabutan na ulit si Dashrielle sa hotel room niya. Parang nagliwanag ang paligid niya. Pero nang ma-realize niya na hindi maganda ang ginagawa ng asawa ay nalungkot na naman siya. Nag-eempake na ng gamit si Dashrielle.

Bumangon si Kaia ng kama. Nilapitan niya ang lalaki. "Iiwan mo na ba ako?"

Sandaling tinignan siya ni Dashrielle. Pagkatapos ay tumingin rin ito sa maleta niya. Napakunot noo siya nang makitang sarado na iyon. "Pinakialaman mo ang gamit ko?"

Tumango ito. "We are leaving today,"

"O ikaw lang?"

"I'm sure I said the right term, Kaia. I said, "we"..."

"At saan tayo pupunta?"

"Sa America,"

"Huh? Pero bakit?"

Hindi sumagot si Dashrielle. Marami tuloy na thoughts na pumasok sa isip ni Kaia. Bakit sa lahat ng lugar ay sa America pa sila pupunta? Makikipag-divorce na ba ito sa kanya?

Natakot si Kaia. Walang divorce sa Pilipinas. Pero minsan ay nabasa siyang kung kasal ka sa Pilipinas ay puwede mo na i-process ang divorce mo sa Pilipinas. For sure ay marami rin naman iyon na requirements at baka hindi applicable sa kanila. Pero paano kung applicable?

Mali na magkaroon ng negative thoughts si Kaia. Pero sa sitwasyon niya ay napakahirap na pigilan noon.

"Dashrielle, sagutin mo naman ako."

"Basta sumunod ka na lang sa akin,"

"Pero---"

"You said you trust me."

"Pero hindi ka ganoon sa akin."

Napailing si Dashrielle. "Ano naman na i-expect mo? Pagkatapos mo akong lokohin..."

Huminga nang malalim si Kaia. "I-I expect you to leave me..."

"Well, be surprise because I won't." wika nito pero may galit pa rin sa boses. Hindi niya alam tuloy kung matutuwa. Hindi siya nito iiwan pero ano? Galit ito.

Pero deserved mo ang galit niya, Kaia...

"Mag-ayos ka na ng sarili mo. In an hour ay darating na ang sundo natin papunta ng airport," pagpapatuloy ni Dashrielle.

Napatango na lang si Kaia at sumunod sa utos ng lalaki.


--

A/N


Hello! Salamat ulit sa pagbabasa ng Flawed. Sorry kung mabagal akong mag-update these days. Nagka-PMS kasi ako at ngayon ay dumating na yung period ko. Haays. Tinatamad tuloy ako sa maraming bagay. Sorry talaga! Babawi ako kapag naging okay-okay na ang feeling ko.

For now, basahin niyo po muna ang other works ko. Completed na rin ang The Estranged Wife. Sana mabasa niyo. Labyu all!

Flawed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon