ISANG araw ng hindi kinakausap ni Kaia si Dash. At hindi niya mapigilan ang sarili na mabuwisit. Kung tutuusin, wala naman siyang kasalanan sa problema ni Kaia. Pero nadadamay pa siya.
Gusto lang naman ni Dash na tumulong sa problema ng asawa. Para sa ikabubuti naman ang ginagawa niya. Pero mukhang minasama pa yata ni Kaia iyon.
Sa inis ay napaalis tuloy si Dash ng apartment na tinutuluyan nila ni Kaia. Kung ayaw nitong makipag-usap, fine. Bibigyan niya ito ng space.
Gustong makalimot ni Dash kaya naghanap siya ng malapit na bar sa lugar. He ordered some drinks. Nakaka-kalahating oras na siya nang may lumapit sa kanya.
"Filipino?"
Napatingin si Dash sa katabi niya. Babae iyon na may morenang balat---parang Pilipina.
"Yeah."
Nakipagkamay ang babae sa kanya. "Kabayan."
Walang interes na tinanggap ni Dash ang kamay ng babae.
"Bakit ka napunta dito?"
Nagkibit-balikat si Dash. "Just that."
"Problem?"
Doon lang pinagkatitigan ni Dash ang lumapit na babae. Maganda ang mga mata nito, kulay chocolate. Kahit nakaupo rin sa bar stool na kagaya niya ay makikita niya na maganda ang katawan nito na medyo lantad sa suot nitong silver spaghetti dress. V-neck ang tabas rin noon kaya makikita ang malulusog na dibdib.
Hindi pa man hustong nagpapakilala kay Dash ang babae ay alam na niya ang pakay nito. She was here to flirt. Sanay na sanay na siya sa mga babaeng kagaya nito.
Pero iba na ang sitwasyon ngayon ni Dash. Simula nang pumayag siya na magpakasal kay Kaia ay hindi na ulit siya nag-entertain pa ng babae. His sole attention is only for her. Kahit na ba sinabi nito sa kanya na hindi siya required na maging faithful, parang mali pa rin na magkaroon siya ng ibang babae bukod sa asawa.
Pero tama rin ba ang ginagawa sa kanya ngayon ni Kaia?
"You seem to have so." Hinawakan ng babae ang braso ni Dash. "I'm sorry for that. Pero hayaan mo na i-treat kita."
"Treat ng ano?"
"A drink."
"Bakit mo naman gagawin iyon?" wika ni Dash, nakatingin sa mga kamay ng babae na ngayon ay sinisimulan ng laruin ang mga braso niya.
"Because I want to. I own this bar, by the way." Wika nito at kinindatan siya. Tinawag na nito ang bartender at nagpa-serve ng drink para sa kanilang dalawa.
Dash alerted himself. Mukhang tama talaga siya. This girl is here to flirt. At kung magpapaapekto siya rito ay malamang na mapasama lang siya. Hindi dapat niya tinatanggap ang binibigay nito. Parang hinayaan na rin niya na lumapit ang palay sa manok.
Pero nang dumating ang drink na in-order ng babae at naamoy iyon ay hindi siya makatanggi. It smells so strong---ang klase ng alak na gustong-gusto niya. Ininom at napilitan tuloy si Dash na i-entertain ang babae.
Hah! Bahala na nga.
BINABASA MO ANG
Flawed (COMPLETED)
General FictionAn erotic romance novel about arranged marriage and a rare disease. Soon to be published under LIB Bare.