NAGGISING si Kaia na naabutan si Dashrielle na nasa sala ng apartment. Nakatulog na ito roon. Hindi niya alam kung sinadya nitong doon na matulog para iwasan rin siya o ayaw lang siya nitong istorbohin sa pagtulog niya nang dumating. Umalis kasi ang lalaki, hindi niya alam kung saan nagpunta at hindi rin niya alam kung anong oras na dumating.
Pero iisa lang ang sigurado ni Kaia---hindi rin naging maganda ang gabi ng asawa. It was obvious on the way he looked while sleeping. Mukha itong wasted. Siguro ay nag-inom ito.
Gusto siguro niya na makalimot, nasa isip ni Kaia. Hindi naman niya masisisi ang kanyang asawa. Ramdam rin niya na nahihirapan ito sa kalagayan niya. Kasalanan niya ang lahat.
Pero ngayong araw ay susubukan ulit na bumawi ni Kaia.
Sa halip na aksayahin ni Kaia ang oras sa pag-iinarte ay kikilos na lang siya. Inuna na nga lang muna niya na magluto ng almusal para kung sakaling magutom na si Dashrielle ay may makain ito. Pagkatapos noon ay ginawa na niya ang isang bagay na natutunan niya kagabi---kegel exercises.
Sa sobrang lungkot ni Kaia kahapon na sinamahan pa nang biglang pag-alis ni Dashrielle ay inisip niya nang husto ang sakit niya. Napa-research siya at naghanap ng mga puwede niyang gawin pa para mapaayos ang kondisyon niya. At isa nga sa mga nalaman niya ay ang Kegel Exercises.
Ang Kegel Exercises o Pelvic Floor exercises ay makakatulong para mawala ang discomfort ni Kaia sa penetration. It is a kind of exercise that strenghthen the pelvic floor muscles.
Para mas masigurado rin ni Kaia na effective iyon ay kinonsulta niya si Doctor Green. Ibinigay nito ang calling card nito bago umalis kaya naman naggawa niyang tawagan at kausapin tungkol sa kondisyon niya. Naging matulungin naman ang Doctor. Nirekomenda rin nga nito ang mga Kegel exercises para mas maihanda niya ang sarili sa dilators. Tinuruan pa siya nito kung paano iyon gawin. He even sends a video of it from youtube on her email.
Pinanood at pinag-aralan ni Kaia ang klase ng mga exercise. In fact, sa sobrang engross niya ay nakatulungan na niya iyon. Pero sa kabila noon ay natatandaan pa rin naman niya ang mga kailangang gawin.
Nang matapos sa pagluluto at naihanda iyon sa lamesa ay sinimulan na ni Kaia ang Kegel Exercises.
Nagpunta sa CR si Kaia at doon ginawa ang exercise. She peed and tried to control it. Itinigil niya ang pag-ihi kagaya nang nasa instructions. And then she squeezes the muscles in it and hold for a few second. She relaxed it and continues doing it again and again.
Nang ma-satisfy si Kaia sa ginagawa ay lumabas na siya ng banyo. Nakita niya sa labas si Dashrielle.
"Good morning," bati ni Kaia kay Dashrielle.
Gumanti ng bati sa kanya ang lalaki. "Parang ang tagal mo yata sa CR, ah."
Ipinaliwanag ni Kaia ang ginagawa.
"Determinado ka na ngayon."
"I-I think I just need more time."
Tumango lang si Dashrielle.
Nakagat ni Kaia ang ibabang labi, bigla siyang nahiya. "Galit ka ba?"
Hindi sumagot si Dashrielle. Lalo tuloy kinain ng konsensya si Kaia.
"I'm really sorry about what happened."
"Hmmm..."
"Say something."
Huminga nang malalim si Dashrielle. "Oo, nagalit ako. Pero mas magagalit ako kung hindi mo tutulungan ang sarili mo."
"Tutulungan mo pa ba ako?"
Nilapitan siya ni Dashrielle. "Gaano ka ba ka-determinado?"
Tinitigan ni Kaia si Dashrielle. His face and eyes were blank. But she wanted to imagine his fiery and burning gaze on hers. She wanted to see it.
And Kaia knew she is determined because she wanted him.
"I-I am doing this for you, Dashrielle..." Sinubukan ni Kaia na huwag magulo dahil sa pagtagal ng pagtitig niya rito ay hindi na lang niya nai-imagine ang mainit na tingin nito sa kanya. It is now really happening.
"But why?" wika nito, halos paungol na ang mga salita. Apektado rin ito.
"Because I want you." Ngayon naman ay sinubukan ni Kaia na huwag alisin ang tingin sa mga mata ni Dashrielle. She wanted him to feel that he really mean it.
"Good." May ngisi sa mga labi ni Dashrielle. Pagkatapos ay dahan-dahan na lumapit ang katawan nito sa kanya. "Because I still want you, too..."
And then Dashrielle proved it not just in words but also in action by giving him a kiss that shaked her entire body.
BINABASA MO ANG
Flawed (COMPLETED)
General FictionAn erotic romance novel about arranged marriage and a rare disease. Soon to be published under LIB Bare.