"I REALLY like Kaia," bungad ni Seymor kay Dash nang bigla na lang siyang tawagan nito.
Natigil sa ginagawang office work si Dash. Tumaas ang isang kilay niya. "Isang beses mo pa lang siyang nakikita,"
"Nope. I saw her today. In fact, hinatid ko siya sa work," may aliw sa boses ng lalaki.
"You what?"
Inulit lang ni Seymor ang sinabi.
"Pero bakit?"
"Because I cannot stop thinking about her. Nagresearch ako tungkol sa kanya at magkapit-subdivision lang pala kami,"
"You're mad," nasabi na lang ni Dash.
"For her," Natatawang wika ni Seymor. "Akin na lang siya, please?"
"Tigilan mo nga siya,"
"Pero bakit? Hindi mo naman siya gusto. Dahil kung oo, sana ay sinagot mo na siya,"
Napabuntong-hininga si Dash. "Hindi madali ang hinihingi niya,"
"Maybe. But I can give it to her. Mayaman naman ako. Puwede ko rin na palaguin ang business nila kahit na ba hindi iyon align sa business na mayroon ako. At hindi na rin naman sikreto sa inyo na matagal ko ng gustong magpakasal,"
College best friend ni Dash si Seymor. Ganoon rin sina Cato at Pierre. Magkakaklase sila noong college sa kursong business administration. Nang maka-graduate sila ay pare-pareho silang nagpatayo ng business.
Food cart franchising ang focus ni Seymor dahil nasa food industry rin ang business ng pamilya nito. Tama ito---mayaman nga ang lalaki dahil galing rin ito sa mayamang pamilya. Successful rin ang sinimulan nitong business.
Pero bukod roon ay may isa rin na kahanga-hangang katangian si Seymor---hopeless romantic ang loko. Kaiba iyon sa pagiging playboy niya.
"But Kaia is not offering love,"
"But I am attracted to her. It doesn't matter rin sa akin kung hindi niya iyon maibibigay...sa ngayon. I believe that love can be learned. Kaya wala akong nakikitang mali sa isang arranged marriage,"
"Purong Pinoy ka naman pero parang sa pamilya ka yata ni Cato galing," May lahing Chinese si Cato. "Pero kahit ano pa man na paliwanag mo, gusto kong tigilan mo pa rin si Kaia,"
"What about let the best man wins na lang?"
Biglang namawis si Dash. "Ano?"
"It's perfect. We are perfect. Ayaw mo naman kay Kaia so akin na lang siya,"
"Mind your own business, Seymor."
"From now on, I want Kaia to be my business."
Nagtagis ang bagang ni Dash. "Sisirain mo ba ang pagkakaibigan natin?"
Hindi sumagot sa kabilang linya ang lalaki. Pinatay na nito ang tawag.
Napamura si Dash. Alam kasi niya na may laban ang kaibigan. Guwapo ito, mayaman at mabait. He is the total opposite of him. Masyado siyang nagpapakipot kay Kaia kaya may chance na mainip rin ito at masaktan.
At iwanan siya.
Dash knew he is being unfair. Ayaw niyang agawin sa kanya si Kaia pero hindi naman niya kayang panagutan ito. Gusto niyang layuan ang babae dahil nahihirapan siyang kontrolin ang sarili niya. Pero ang thought pa lang na lalayuan na siya nito ng tuluyan ay ginugulo siya. Parang hindi niya yata kaya.
Sa simpleng pag-uusap lang ni Seymor at na-distract na si Dash. Hindi siya makapagtrabaho. Kaya iniwan na muna niya iyon at pumunta sa office ni Kaia. May kailangan itong linawin sa kanya.
Nang malaman ni Kaia na nasa building siya ay tinanggap naman siya nito. Nagulat lang ito.
"What are you doing here?"
Hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Dash. "Gusto mo ba si Seymor?"
Parang natatawang sinagot siya ni Kaia ng tanong. "Ano bang klaseng tanong 'yan?"
"Just answer me," Dash said and looked straight into her eyes. .
"N-No..." Kaia said in a very weak voice. Nakikita rin niya ang kahinaan mula sa mga mata nito.
Ngumisi si Dash at dahan-dahan na nilapitan si Kaia. "Good..."
And then he gave her a kiss as a reward.
BINABASA MO ANG
Flawed (COMPLETED)
Ficción GeneralAn erotic romance novel about arranged marriage and a rare disease. Soon to be published under LIB Bare.