44

19.1K 402 25
                                    

LUMIPAS ang mga araw at wala pa rin na nakuha si Kaia na paliwanag mula kay Dashrielle. Palagi na lang itong busy. Umaalis ito nang maaga at umuuwi ay gabi na. Madalas rin itong pagod. Gusto man niya na itanong ang mga bumabagabag sa kanya ay naisip naman niya na hindi iyon ang tamang oras. Kakausapin na lang niya si Dashrielle kapag maluwag na ang schedule nito.

Pero dumating ang Sunday ay mukhang busy pa rin ang asawa. Pagkatapos niyang magluto ng almusal ay nakaligo at naka-ayos na ito. Simpleng T-shirt at shorts lang naman ang suot nito pero mukhang may lakad pa rin ang porma.

"Good morning." Hinalikan siya ni Dashrielle nang makita siya.

"'Morning." Sa kabila ng halik ng asawa ay hindi nabago ang mood ni Kaia. Medyo inis siya. Wala na ba itong balak magpahinga? Rest day dapat nito. "Aalis ka na naman?"

Tinitigan ni Dashrielle si Kaia, pagkatapos ay tumawa. "Naasar ka ba?"

Humalukipkip si Kaia. "Wala ka ng pahinga."

He covered his arms around hers. Pagkatapos ay inilagay nito ang bibig sa tainga niya. "Kulang ka na yata sa dilig, ah."

"Hmf!" Lumayo siya sa lalaki. Nami-miss na niya ang asawa at siguro nga ay dahil nakukulangan na siya sa "dilig". But it felt like there is a feeling more than the sex.

Natawa na naman si Dashrielle. "Oh, come on, sweetheart. I am sorry I was very busy these days. Pero babawi ako ngayon. I promise."

"Eh aalis ka nga, eh!"

"Nope. Aalis tayo."

"Tayo?" Lumambot ang mukha ni Kaia. "Bakit?"

Kinindatan siya ng asawa. "It's a surprise."

"I don't like surprises."

"Me, either. Pero gusto kong i-try."

"Hmmm..." Parang natunaw naman kaagad ang inis ni Kaia. Surprises are romantic. At kahit alam niyang wala naman na romance sa kanila ni Dashrielle ay parang ganoon ang nararamdaman niya.

Parang kinikilig tuloy si Kaia.

Nawala na ang bad mood ni Kaia. Inasikaso niya ang asawa sa almusal at sinunod ang utos nito na maligo at mag-ayos na pagkatapos. Nang makasakay naman siya sa sasakyan ay may kinuha itong eye mask. Iba-blind fold siya nito.

"Bakit kailangan pa niyan?"

"Surprise nga 'di ba?"

"Parang kinakabahan na tuloy ako."

"Hmmm... But you said you trust me, Kaia."

"Yeah. Pero noong huling blind fold mo sa akin ay---"

"Natuwa ka naman. I made love with you on the truck."

Made love... Ang sweet rin ng mga salita na iyon Dashrielle. Puwede naman nitong gamitin ang sex. But still, he used a romantic word for that. Isa pa, kahit hindi naman talaga sex o making love ang ginawa nila dahil walang full penetration ay iniisip pa rin ni Dashrielle na act of love iyon.

Sa huli ay bumigay na rin si Kaia. Mga thirty minutes yata siyang naka-blind fold nang maramdaman niya na tumigil ang sasakyan. Inalalayan siya ni Dashrielle na makababa ng sasakyan nito.

"Are you ready?" tanong sa kanya ni Dashrielle nakaka-ilang hakbang pa lang sila.

"Oo. Ikaw lang naman itong may pa-surprise-surprise pa."

Tumawa na naman ang lalaki. Tinanggal na rin nito ang blind fold niya.

"Ano ito?" Takang-taka si Kaia nang bumulaga sa harap niya ang isang two-storey na bahay. May garden rin sa harap noon.

Inakbayan siya ni Dashrielle. "Our own house."

"O-own house?" Parang nanginig yata si Kaia sa narinig. "Seryoso ka ba?"

Tumango ito. "Bukod sa pagiging abala sa trabaho, isa rin ang pagbili nito sa pinagkakaabalahan ko."

Napalunok si Kaia. Maiiyak na yata siya. "B-bakit hindi mo sinabi sa akin?"

Pinindot ni Dashrielle ang ilong niya. "Dahil gusto ko na i-surprise ka. Isa pa, nahihirapan rin kasi akong i-convince si Shiela na ibenta ang bahay na ito."

"Si Shiela? Siya 'yung ka-meeting mo 'di ba?"

Tumango si Dashrielle. "Kaibigan ko si Shiela at nalaman ko na balak niyang ibenta itong bahay niya sa Alabang. Naisip ko na mas maganda kung magkakaroon tayo ng sariling bahay kaysa sa condo unit lang. And Shiela's house is the perfect property for us. Malapit sa trabaho ko at malapit rin sa bahay ng Daddy mo. Kaya lang, medyo nahirapan akong kumbinsihin siya na ipagbili ito kaya medyo nag-aalinlangan ako na sabihin sa 'yo. Naisip ko na kapag final na ay saka ko na sasabihin sa 'yo."

"Oh, Dashrielle."

Dashrielle cupped her face. "Masaya ka ba?"

Naiyak na si Kaia. "Sobra."

Ngumiti si Dashrielle at pinahid ang mga luha niya. "O siya, 'wag ka ng umiyak."

Tinampal niya ang dibdib nito. "Ikaw kasi! Binigla mo ako."

Niyakap siya ng asawa. "I never thought of buying my own house. Masaya na ako na ako sa condo unit ko. Ganoon naman kasi talaga ang mga bachelor. At ang nakikita ko na bumibili ng bahay, 'yun ay yung mga may plano na magkaroon ng pamilya. I never have planned for it, but you came. You changed my view towards life. And surprisingly, the thought of having a family with you gave me satisfaction."

Mas hinigpitan ni Kaia ang yakap sa asawa. Mas naiiyak siya ngayon. Kagaya ni Dashrielle ay hindi rin niya inisip na magkakapamilya siya, heck, kahit ang asawa. Simula nang madiskubre niya ang sakit niya, inisip niya na kahit kailan ay hindi na siya puwedeng magkaanak pa.

Tinanggap na ni Kaia na darating ang araw na magiging mag-isa na lang siya sa buhay. Pero sanay na naman siya. She doesn't have any parents to start with. Wala siyang totoong pamilya. Kaya naman sabi niya sa sarili niya ay magiging maayos rin naman siya.

But now, everything has changed. Hindi man iyon sa klase ng iniisip niya ay parang mas mabuti iyon. Mas nakakaramdam siya ng saya. She really just hopes that everything will be better.

Hinagod ni Dashrielle ang likod ni Kaia, pinapatigil siya sa pag-iyak. "Tahan na."

"You're so good to me."

"Not at all times."

Totoong may imperfections si Dashrielle. Pero lahat ng iyon ay natatabunan ng mga mabubuting ginagawa nito sa kanya.

Pinahid na ni Kaia ang luha niya. Walang saysay kung iiyak siya. It's just her emotions bursting.

Tinitigan ni Kaia si Dashrielle. May ningning sa mga mata nito. He was in good mood. At gusto na niyang sulitin ang pagkakataon niya.

"Puwede pa ba akong mag-wish?"

"Hmmm... Ano naman 'yun?"

Huminga muna nang malalim si Kaia bago sabihin ang matagal na niyang gustong sabihin kay Dashrielle. "Puwede bang bawiin ko na ang sinabi ko sa 'yo noon? Puwede bang hilingin ko na ibigay mo na rin ang loyalty mo sa akin?"

Flawed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon