"WE CAN'T stay here forever, Doc." Pagpapaliwanag ni Kaia kay Doctor Green tungkol sa sitwasyon nila ni Dashrielle. Mahigit isang linggo na sila na nasa Los Angeles. At kahit mga bagong kasal, may mga responsibilidad pa rin sila ng asawa sa Pilipinas. Kailangan na nilang bumalik roon.
"I understand and it's okay. After all, you are improving now."
Tumango si Kaia. "I will try to see a new Doctor who can handle my case in our country."
"Of course. But in case you need any help, you are free to contact me." Ibinigay pa ng Doctor ang Facebook account nito. Puwede rin daw siya nitong i-add sa whatsapp nito para mas makapag-usap sila ng mga kailangan niyang gawin. Napakamatulungin ng Doctor.
"Thank you, Doc."
"Anytime."
Inihatid pa sila ng Doctor palabas ng clinic nito. Tuluyan na silang nagpaalam sa isa't isa.
"You were talking to him?" Tanong ni Dashrielle nang makalabas ng clinic. Hindi ito nagsasalita habang chine-check up siya kanina.
"Yes. Sa messages. Doon niya ipinaliwanag sa akin ang tungkol sa kegel exercises."
"Okay."
Tinitigan ni Kaia si Dashrielle. "Okay lang sa 'yo? Hindi ka na nagseselos?"
"I should never feel the same way in the first place."
"Hmmm...Pero paano kung gusto ko na magselos ka?"
"At bakit mo naman magugustuhan iyon? I can be mad."
"Yeah..." At ganoon rin siguro ako kapag nakita kita na may ibang babae... "But I think it is okay. May karapatan ka naman."
Nagkibit-balikat si Dashrielle. "But it's weird. Alam naman natin sa isa't isa na hindi tayo nagmamahalan. We are just arranged to be married and it's not also because of love."
Nakagat ni Kaia ang ibabang labi. Kung ganoon ang iniisip ni Dash, ibig sabihin lang noon ay hindi siya puwedeng magselos. Wala siyang karapatan rito.
Pero teka, sino ba ang nagsabi na sa una pa lang ay hindi naman required ang asawa niya na maging faithful?
Tama si Dashrielle. Hindi nila mahal ang isa't isa. Pero parang pinagsisihan na niya yata ang sinabi na hindi naman ito required na maging faithful sa kanya. Dahil ang isipin na may ibang babae pa lang ang asawa ay parang sinasaktan na siya.
BINABASA MO ANG
Flawed (COMPLETED)
General FictionAn erotic romance novel about arranged marriage and a rare disease. Soon to be published under LIB Bare.