7

26.2K 545 7
                                    

NANLULUMO si Kaia nang lumabas siya ng ICU. Tumaas ang blood sugar ng Daddy niya kaya kinailangan itong isugod sa ospital. Sa sobrang taas rin noon ay kailangan itong i-admit sa ICU. Nakausap na naman niya ito pero dahil sa kondisyon ay parang wala ito sa sarili. Iisa lang rin ang sinasabi nito sa kanya---pakasalan na niya si Dashrielle.

Ngayon lang nakita ni Kaia na nasa ganoong kondisyon ang itinuturing na ama. He had always been fit. Kaya masakit sa kanya na nasa hindi ito magandang lagay.

Manny Abenilla is Kaia's only family. Hindi yata niya kakayanin na mawala ito. Napakalaki rin ng utang na loob niya rito para hindi ito pagbigyan sa gusto.

Kahit hindi makatarungan iyon.

Huminga nang malalim si Kaia nang makalabas ng ICU. She needs to be calm. Pero ang lalaking sumalubong sa kanya naman ay pinagulo lang ang puso niya.

"Anong nangyari? Is he stable?" Si Dashrielle iyon.

Sinalubong ni Kaia ang mga mata ng lalaki. Mukhang nag-aalala iyon.

May mabuting bahagi rin naman ang loko, nasa isip ni Kaia. Pinili niyang kumalma pa rin kahit na ba naapektuhan na naman siya sa simpleng pagtatama lang ng mata nila ng lalaki. She felt like melting...again.

Sinabi ni Kaia ang kalagayan ng Daddy niya at ang napag-usapan rin nila ng Doctor nito.

"I'm sorry,"

"He is really sick,"

"He's old."

"And I should not let him suffer," Bumuntong-hininga si Kaia. Napapikit rin siya. Pumasok na naman sa isip niya ang eksena kanina---ang parang nagmamakaaawang itsura ng ama na sinasabing tuparin niya ang gusto nito na magpakasal sa lalaking gusto nito.

Kahit may sakit, siya pa rin ang iniisip nito---ang future niya. Mahal na mahal talaga siya nito. Kaya naman nakokonsensya siya na hindi man lang niya kayang pagbigyan ito.

Napakaraming naggawa ni Manny Abenilla para sa kanya. Binago nito ang buhay niya sa magandang paraan. Napakasuwerte niya para makilala ito. Kaya bakit nga ba hindi niya ito mapagbigyan? Maliit na bagay lang naman ang mawawala sa kanya. In fact, marami pa nga siya na makukuhang benefit kung sakali.

Pero ayaw maging unfair ni Kaia. Kaya lang, nagiging fair rin ba sa kanya si Dashrielle? Ilang beses na siya nitong hinalikan...ng walang paalam! At hindi man lubusan na kilala ay ramdam niya na may pagka-player rin ang lalaki.

A guy like Dashrielle should be punished. At ang perpektong parusa siguro ay ang sumpa sa pagkatao ni Kaia.

"So what are you going to do now?"

Sinalubong ulit ni Kaia ang tingin ni Dashrielle. "The right term should be, what are we going to do now,"

Kumunot ang noo ni Dashrielle. "What do you mean?"

"I am now convinced. Gusto kong pakasalan mo na ako," straight to the point na sabi ni Kaia.

Tumawa ito. "No,"

Umarko ang kilay ni Kaia.

Flawed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon