KABANATA 31

8.6K 194 5
                                    

Kabanata 31

"Mom..Nandito po kayo.."sabi niya sa kanyang ina na biglang pumunta ito sa ospital.

"Syempre naman. Apo ko ang nandito. Bakit hindi mo sinabi na naospital na pala si charm. Kong hindi lang kay shawntel hindi namin malalaman.."sabi nito na may dala itong mga prutas..

"Sorry mom. Nawala sa isip ko."sabi niya at kinuha niya ang dala nito at nilagay sa mesa. Ang kanyang ina naman ay pumunta kay charm na natutulog.

"Kamusta na siya? Nakahanap na ba kayo ng donor?"tanong nito..

"Sabi ni doc neo okey na siya sa ngayon. Pero kailangan parin niya ng heart transtplant. Ako ang nahihirapan mom."malungkot na sabi niya.

"Wag kang mawalan ng pag asa lusterine. Siguradong hindi papabayaan ng diyos si charm.."sabi nito at hinaplos nito ang pisnge ng anak niya.

"Sana nga mom. Hindi ko kakayanin kapag mawala siya sa amin ni charles."sabi niya dito.

Biglang tumingin ito sa akin.

"Charles? Nagbalikan na kayo.."biglang sabi nito..

Tumango siya na nakangiti..

"Yes mom."sabi niya dito.

"Buti naman at pinakinggan mo na siya."sabi nito.

Kumunot noo siya.

"Matagal ko nang alam ang totoo kahit nong hindi pa kayo kasal ni charles nalaman ko nong nag imbestiga ako. Sasabihin ko sana sa iyo ang totoo pero nakikita ko kasi na masaya ka sa piling ni charles kaya hindi ko na siya sinabi.. Pero nalaman mo rin pala ang totoo at nakita ko kong gaano ka nasaktan. Kaya hinayaan ko na ilayo mo ang anak mo sa kanya. Kasi alam ko ang nararamdaman mo."sabi nito.

Napayuko siya.

"Pero mali ang ginawa ko mom. Hindi ko siya pinakinggan kaya nasayang ng anim na taon na sana naging masaya kami..."malungkot na sabi niya..

Lumapit ito sa akin at niyakap.

"Wag mo na isipin yun. Sa ngayon kompleto na ang pamilya mo. Iyun nalang ang pagtuunan mo ng pansin. Oo nga pala nasaan si charles?"tanong nito sa akin ng maghiwalay sila sa pagyayakap.

"Nagpaalam siya sa akin mom. May kakausapin daw siyang mahalagang tao.."sabi niya dito.

Kumunot noo ito.

"Mahalagang tao?"

Sasagot sana siya ng biglang may nagbukas sa pintuan at pumasok si doc pleasure.

"Doc pleasure.."sabi niya dito.

"Hi lust.. Hi tita marlyn."sabi nito.

Naguluhan siya.

"Kilala mo ang mama ko?"tanong niya dito.

Ngumiti ito sa akin.

"Yes. Matagal na.."

"What?"naguguluhan na sabi niya.

"Kamusta na siya.."biglang sabi ni mom kay doc pleasure.

"Hindi siya okey tita marlyn. Kailangan kanya. Kailangan niya kayo..."sabi nito..

Nakita niya ang pag iba ng itsura ni mom na parang galit.

"Alam ko malaki ang kasalanan niya. Pero tita marlyn nagsisi na si lolo sa ginawa niya sa iyo.."sabi nito.

"Nagsisi? Kong nagsisi siya sana noon pa man sumuko na siya sa pulis sa ginawa niya sa akin. Pero ano ang ginawa niya binayaran niya ang kaso na sinampa ko noon."galit na galit na sabi ni mom..

FUCKING WOMEN 03: Charles Kalvin Anderson✔️✔️✔️✔️(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon