Chapter Seven

2.5K 92 2
                                    

Shit!!! Fucking shit!

She cursed inside her mind. Damn this man for being so bloody smart and brainy. He was indeed intelligently seductive and dangerous. And he will definitely cost her trouble.

Tiningnan niya ang kamay nitong mahigpit na nakahawak sa kanyang braso para pigilan siyang makaalis roon. Alam niyang kahit pumalag pa siya ay hindi siya nito pakakawalan o hahayaang makatakas, kaya't hindi na niya tinangka pang gawin iyon.

Isa pa, ay ayaw niyang makakuha ng atensyon sa mga taong naroon sa paligid nila at ayaw niyang magkagulo. Dahil mas lalong malalagay silang pareho sa alanganin kapag nagkataon dahil may mga nagmamatiyag sa paligid nila.

Kinalma niya ang sarili at muling umupo sa upuan kung kaya't lumuwag na ang pagkakahawak nito sa kanya hanggang sa binitiwan na siya nito. Umayos na din ito sa pagkakaupo habang hinihintay siyang magsalita.

Kailangan niyang magsalita dahil hindi siya nito titigilan hangga't hindi niya ibibigay ang gusto nito. Masyadong matalino ang binata kung kaya't hindi nito kakagatin kapag maghahabi lang siya ng kwento basta-basta. Wala siyang pagpipilian kung hindi ang magbigay ng kaunting impormasyon para mas pagkatiwalaan pa siya ng binata.

Pasimple siyang tumingin sa labas para silipin sa di kalayuan ang isang sasakyan habang nakatayo roon ang isa sa mga tauhan ng boss niya. Alam niyang minamatyagan siya ng iba pang kasamahan na nasa mga puwesto nito para maging back-up niya kung sakaling magkaroon ng gulo. O mas tamang sabihin na, naroon ang mga ito para siguruhing gagawin niya ang kanyang trabaho.

"Speak up woman, I don't have all day to wait for you to spill up some info." Untag sa kanya ng binata na mukhang nauubusan na ng pasensiya sa kahihintay sa kanya.

Pumikit siya saglit para ayusin ang sarili at pagdilat niya ay naroon na sa mukha ang inensayong pag-arte.

Here we go.

Anas niya sa isip dahil kailangan na niya ulit umarte para makuha ang loob nito habang nagsisiwalat ng kaunting impormasyon na alam niya. Kailangan niyang gawin iyon para maniwala ang lalaki at hindi magduda.  Saka na lang niya kahaharapin ang naghihintay na paginteroga sa kanya ng amo dahil sa gagawin.

"Yes I've heard about that serum, but I never encountered it even when I am working in a lab." Panimula niya. "Noong nag-aaral pa ko ng kursong chemical engineering ay nabalitaan ko na ang ganyan. Sinabihan kami ng mga professor namin na mga scientist din na huwag nang tangkain na hanapin pa ang ganoong droga para pag-aralan dahil masyadong delikado. And up until now, I haven't found anything about it. Kahit pa kung sino ang utak sa paggawa niyon at kung saan iyon makukuha." Direchong tingin niya sa mga mata nito.

Pinakatitigan nito ang kanyang mukha at alam niya na binabasa nito kung nagsasabi ba siya ng totoo. Marunong ngang kumilatis ang isang ito at kapag hindi siya nag-ingat ay paniguradong mahuhuli siya at paniguradong palpak ang misyon niya.

"That wasn't useful at all." Ani ng binata pagkalipas ng ilang segundo.

Nagkibit balikat lang siya. Halata na naghihintay pa ito na may idagdag siya na iba pa. Kaya't lumapit siya ng kaunti rito para bumulong.

"I heard that there's a group of syndicate who are using this kind of drugs already. That's why most of us- pharmaceutical scientist, are trying to create a drug to counteract the effect of Seropamine. But we can't make an antidote without studying that serum first. Unless we can find a sample of 'Crimson Death' then we will just be relying on more hypothesis in the lab."

Nakita niya sa mga mata nito na naniniwala ito sa mga sinabi niya kaya't nakahinga siya nang maluwag kahit kaunti.

"If ever you can find more info and if you or the other scientist finds a way to create an antidote, can you atleast tell me?" Seryosong wika ng binata. "So we can help to spread that and stop the people that are responsible for making that kind of serum. Will you do that?"

S.I.A.T.T. Series Book 4: The Seductive GeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon