"What happened, Sniper?" Bungad niya na hindi na naitago pa sa boses ang pag-aalala. "You're all over the news!" At saka binasa niya rito ang balita mula sa isang artikulo sa internet.
May mga armadong lalaki ang sumugod sa bahay nito at pinagtangkaan ang buhay ng dalaga.
"Whoever that is, he or she won't stop until I'm dead. I was close to finding out the name of that asshole when he hired a professional killer to tie loose ends. Now I'm back to scratch!" Inis nitong sabi.
Mabuti na lang at ligtas na ito at hindi napuruhan. Silang dalawa ni Striker ay inutusan na ni Chief na lumipad papunta ng Pilipinas kapag sa loob ng beinte kwatro oras ay hindi pa rin nakapag report ang dalaga. Tutulong na sila para tapusin ang misyon nito at nang maisama na rin nila ito pabalik rito.
"Nag-aalala lang kami sayo dahil mukhang hindi lang ang misyon mo ang probelma mo, kundi pati ang nagtatangka pa sa buhay mo. Papaano mo magagawang tapusin ang trabaho mo kung may humahabol rin sayo para patayin ka? You might blew up your cover later because of your current situation. And if that happens, we won't have another shot on this and we might lose the chance of getting the head of the syndicate." Mahabang litanya niya.
Kailangan na kasi nila malaman ang pangalan ng pinaka-lider ng mga sindikato para mahuli na nila ito at nang matigil na ang gulo sa mundo.
Narinig niya ang pag buntong hininga nito.
"Like I said, I got this! I can find my way out of this situation without jeopardizing my mission. Just trust me on this. I need all your trust, not your doubts!" Nahimigan niya ang hinanakit sa tono nito.
"You know I trust you and I always got your back." Totoong sabi niya. "Tell me anything you need and I'll help you. What are your next move?"
Doon daw muna ito sa Cebu para magpagaling habang aalamin nito kung sino ang nagpakana ng pag-atake rito. Doon na rin nito ipagpapatuloy ang pag-iimbestiga sa mga Aragon.
"Gusto kong tulungan mo ako na hanapin ang bumaril sakin. Mukhang hindi iyon basta basta at halatang magaling rin." Anito sa kanya.
"Okay, I'll see what I can do. I'll retrieve the videos around your house to find some clue then I'll get back to you once I found something." Pangako niya.
"Thanks, Stew! You're really is the best! Babawi ako sayo pagbalik ko dyan."
"Anytime, Sweetheart. Just give me new toys to work with when you get back here." Aniya na ang tinutukoy ay mga armas na kakalikutin niya.
"Sure. I'll give you anything you want Sweetheart in return. Bye!" Paalam nito bago pinatay ang tawag.
Napangiti naman siya dahil sa biro nito. Masaya siya na nasa mabuting kalagayan na ito pero hindi pa rin nawawala ang pag-aalala niya para sa kaligtasan nito.
Yes, they were all trained for different kinds of worst situations but they are not immortal. They are human and that they can die too. And that's what scares him the most- losing important people in his life, losing a family member again.
Kaya't ipinangako niya sa sarili na tutulungan niya ang bawat isa sa mga kasamahan niya na siyang pamilya na rin kung ituring niya. He will never let them down no matter what. He will always be there for them.
Ginawa niya ang sinabi niya kanina. Ni-rereview niya ang CCTV sa loob at labas ng bahay ni Reese at nagbabaka-sakaling may makukuha siya roon.
Nakita niya na halos sabay dumating ang mga armadong lalaki at ang isang babae na balot ang mukha at naka-over all catsuit. Halata lang na babae ito dahil sa hubog ng katawan. Mataman lang itong nakamatiyag sa paligid habang nagaganap ang pag-atake sa loob ng bahay. Makalipas ang ilang saglit ay kita niyang naglakad palapit ito sa isang bintana roon pero hindi naman lumapit nang husto, sabay bunot sa baril at pinutok iyon.
BINABASA MO ANG
S.I.A.T.T. Series Book 4: The Seductive Geek
General FictionWARNING: SPG / R-18 / mature content Special Intelligence and Advanced Tactical Team (S.I.A.T.T.) S.I.A.T.T. Series Book 4: The Seductive Geek Name: Stewart Ambrose Jackson Nickname: Stew Codename: Hacker Height: 6'2ft. Nationality: Filipino-Ameri...