Chapter Three

3.6K 126 3
                                    

He literally dropped his jaw open and he doesn't even know if he was currently drooling in front of her. The woman was a bombshell, perfect curves in the right places. And the face that every man would love to stare at.

"Hey you, fucking moron!" She shouted, waking him up from his reverie. "Not just because you saved my life, that does give you the right to insult me!" That's the time he finally closes his mouth.

And then his mind has snapped back to reality, getting back to his standard mode.

"A thank you will do, but I guess you're not just a dumb girl but an ungrateful-" he was cut off by a loud and stinging slap in the face.

Nanlaki ang mga mata niya sa gulat. Ni minsan ay wala pang nanampal sa kanya, at iyon ang unang pagkakataon na may gumawa sa kanya niyon. Marami ang nanonood sa kanila dahil nakakuha na sila ng atensyon sa mga dumaraan roon.

Biglang kumulo na ang kanyang dugo at naramdaman na niya ang pag-iinit ng kanyang ulo.

"How dare you?! You just called me dumb and now you're going to call me a bitch?" Mariing wika sa kanya ng babae na halatang nanggagalaiti na rin sa inis.

"Did you hear me calling you a bitch?" Malakas din niyang tanong. Wala siyang balak magpatalo.

"That will be your next word to what you were saying awhile ago."

"How can you be so sure, huh?"
At sabay tinaasan pa niya ito ng kilay. "I don't use that kind of word woman."

"Whatever! You're still a moron, moron." She said with a clenched teeth, really looked pissed at him.

"You know what, just go and cross the road and I won't care if you ever get hit by a car. I won't jump in to save your pretty ass again! Auf Wierdesehen!"

At saka siya tumalikod at iniwan na ang babae roon kahit gustong gusto pa niya itong patulan. Ni hindi man lang marunong magpasalamat sa kanya dahil iniligtas niya ang buhay nito ay isang malakas na sampal pa ang iginanti sa kanya.

And she just called me a fucking moron!!!

Inis niyang sigaw sa isip.

"What happened to your face? You look like you've been served a coffee that tastes like shit." Sabay halakhak ni Reese sa kanya.

"Haha, very funny." Sarkastikong sagot niya.

"Hmmm. Looks like someone had pissed you off huh?" May kasama pang ngiti na nang-aasar.

"Yeah, big time." Pag-amin niya.

"That's good. Atleast may ibang nakapag-paasar sayo ngayong araw, hindi yung ikaw lang ang may kayang mang-asar sa lahat." At saka nito inilibas ang dila para asarin siya. "Belat!"

Napailing na lang siya at saka sabay silang nagkatawanang dalawa. Ito lang talaga ang madalas niyang kabiruan doon dahil pareho sila na hindi sa lahat ng oras ay seryoso. Naniniwala kasi sila na kailangan nila paminsan-minsan ang tumawa at magbiro.

"Come on, let's go back to upgrading all these babies." Aya niya rito na ang tinutukoy ay ang mga armas nilang ginagamit sa laban.

Silang dalawa kasi ang masusing gumagawa niyon para mas maging epektibo ang bawat armas na gagamitin ng lahat ng mga agent sa buong ahensiya. Malaking bagay talaga na magaling sa paggawa ng mga baril at iba't ibang armas ang dalaga dahil nakakatulong iyon sa pagpapalakas ng puwersa nila bilang mga special agent.

Natapos na naman ang isang araw nila sa loob ng HQ. Nagkanya-kanya na sila nina Sniper at Striker pagkalabas sa trabaho. Ang tatlong mga kasamahan ay mga nasa field pa at may mga misyon. Kung ang iba ay pauwi na sa mga bahay nito, siya naman ay sa tindahan na pagmamay-ari niya siya dumirecho.

S.I.A.T.T. Series Book 4: The Seductive GeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon