Chapter Twenty One

1.9K 87 0
                                    

Love can really make someone go crazy as hell. And as for Stewart, it was only the beginning of having a mental breakdown when Tali left her.

When he learned that she just left the cabin, he went after her. Track her traces and followed her trail which led him to the other side of the mountain.

Pero hindi na niya naabutan doon ang dalaga. Marahil ay matagal nang nakaalis at kung saan na nagtago. Hindi siya nawalan ng pag-asa dahil sanay siyang maghanap ng mga nawawalang tao o mga taong nagtatago sa batas.

Hindi siya makakapayag na harapin nitong mag-isa ang problema nito. Hindi niya hahayaan na masaktan ito at mapahamak nang dahil lang sa ayaw nitong madamay siya. Sa ayaw at sa gusto nito ay idadamay niya ang sarili sa lahat ng problemang kabibilangan nito. Ganoon siya ka-desididong patunayan ang sarili dito.

But he was like looking for a needle in a haystack. He can't find her anywhere, her phone was off and she didn't leave any traces that he could use in finding her. It was a dead end.

Thalia Aguirre

No government records, no bank records, no police records too. It seems like Tali doesn't exist. In short, she was not the person she claimed to be.

She lied. She made a fool out of him.

Bumalik siya sa bahay na tinutuluyan nito at wala siyang nakita na gamit na makakatulong para makilala niya kung sino talaga ito. Sinubukan din niyang puntahan ang lugar kung saan ito nagtatrabaho at nagulat siya sa nalaman.

Sa araw araw na pagpunta ng dalaga roon ay hindi pala ito empleyado ng Morris Pharmaceutical. Madalas lang daw tumambay ang babae roon ayon sa frontdesk at aalis din pagdating ng hapon. Paminsan minsan ay may kinakausap na mga chemical engineers doon pero hindi rin nila kilala nang lubos ang dalaga.

Hirap siyang hanapin ang dalaga kahit na-hack na niya halos lahat ng pupwede niyang i-hack para lamang matagpuan ito. Mukhang sanay ang dalaga sa pagtatago at kung hindi niya malalaman ang totoong pangalan nito ay hindi niya talaga ito mahahanap.

Pero kahit na halos mabaliw na siya sa ginagawang paghahanap ay hindi rin naman niya pinababayaan ang tungkulin niya bilang isang alagad ng batas. Tumutulong pa din siya sa mga ibang kasamahan at ginagawa pa din niya ang kanyang responsibilidad bilang isang agent.

Noong isang araw nga ay kamuntik na palang ma-kidnap si Sniper sa Boracay. Mabuti na lang at hindi nangyari, lalo na't may mga terorista ang sumugod roon.

Kasalukuyan siyang nasa headquarters at abala sa pangangalap ng impormasyon sa kay Tali kahit wala siyang ni katiting na mahagilap, nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa roon ang kanyang ama na kasunod sina Dagger at Striker.

"Did Sniper already called?" Tanong ni Chief na seryoso ang mukha.

"No, I haven't heard from her after she called this morning." Sagot niya.

Dahil nasa Pilipinas ito ay may time difference sa pagitan nila. Nang tumawag ito kaninang umaga sa kanya ay gabi sa Pilipinas at nasa isang bar ang dalaga. Naka-live cam ito para makita niya ang mga nakikita nito. Talamak ang pagpapakalat ng party drugs at kita niya iyon mula sa lens na suot ng dalaga.

"She was in a bar and she got us some sample of the party drug that's been distributed among party goers. I told her to send the sample to let Striker run the test and see the effects of it." Paliwanag niya. "Maybe she is still sleeping right now."

Gabi na din kasi ngayon sa kanila at umaga na sa kinaroroonan ng dalaga, kaya dapat lang na gising na ito. Pero wala pa rin silang tawag na nakukuha mula rito.

S.I.A.T.T. Series Book 4: The Seductive GeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon