Chapter Fourteen

1.9K 73 0
                                    

Tali felt so light and she can't help but to plaster a smile on her face the entire time they were heading back from their so called vacation.

Pakiramdam niya ay kahit papaano ay gumaan ang mga problema niya at naglaho ang bigat at sakit sa kanyang dibdib. At lahat ng iyon ay nang dahil sa kay Stewart.

He was a gentleman for not succumbing to the fire that was slowly building between them. For stoping when she stopped him and for staying when she pleaded.

Pero nang dahil din roon ay nawala ang focus niya sa totoong pakay niya roon. Kaya niya dinala ang binata sa beach house nila ay para makuha na nang tuluyan ang tiwala nito at nang makapagtanong na siya rito nang hindi nito pagdududahan.

Ngunit sa pagtatanong niya ay siya rin ang nagbalik sa mga masasakit na alaala na pilit niyang kinakalimutan. Kung kaya't wala siyang gaanong napala sa bakasyon na iyon. Pero nasisiguro naman niya na kahit papaano ay unti-unti nang lumalambot sa kanya ang lalaki at magagawa na niya ang misyon na pinapagawa sa kanya.

Napangiti siya nang may natanggap siyang text mula rito na nagsasabi na aalis ito dahil kailangan ito sa field. Ayaw man niyang isipin ngunit parang ipinapaalam nito sa kanya kung nasaan ito na para bang may relasyon sila na kailangan malaman ng isa't isa kung nasaan sila.

Hindi niya naiwasan ang kiligin ng kaunti, lalo na nang sabihin nito na kikitain siya nito mamaya paguwi sa bahay niya. Nakagawian na talaga nito na sa bahay na niya natutulog at aaminin niya na gusto niya iyon.

Noong una ay dahil lang sa misyon niya kaya gusto niyang naroon ang lalaki para mas mabantayan niya at makuha ang loob. Subalit sa pagdaan ng araw ay gusto na niyang naroon ito dahil gusto niyang nakikita ito at nakakasama. May binubuhay itong damdamin na matagal na niyang binaon sa limot. Nababaliw na nga talaga siya.

Magrereply na sana siya nang biglang nag-ring ang kanyang telepono dahil tumatawag si Marco sa kanya. Ang kaninang ngiti niya ay biglang naglaho at kaagad sumeryoso ang mukha.

Huminga muna siya nang malalim bago niya sinagot ang tawag.

"What is it this time?" Masungit niyang tanong rito.

"Boss called, we have some things to do. I'll pick you up outside that building." Anito na ang tinutukoy ay ang Morris Pharmaceutical building na siyang kunwari'y pinagtatrabahuan niya.

"But what about Jackson? Is it okay to leave him? What if he looks for me? And what if he finds out that I was gone-"

"You'll handle that later." Pagputol nito sa kanya. "For now, let's just do what boss's wants us to do."

Bumuntong hininga na lang siya at saka pinatay na ang tawag. Wala siyang magagawa kundi ang sumunod rito, tutal naman ay umalis ang binata kaya't hindi naman siguro nito malalaman na umalis siya. Kailangan lang niya na bumalik ng maaga sa bahay niya para hindi ito magtaka kung saan siya nagpunta.

Pagkalabas niya ay kaagad niyang natanaw ang sasakyan ni Marco kung kaya't lumingon muna siya sa paligid bago siya sumakay. Hindi niya alam ang daan na tinatahak nito kung kaya't hindi siya mapakali hangga't hindi niya nalalaman kung saan sila pupunta at kung ano ang kailangan nilang gawin.

"Where are we going?" Tanong niya.

"To San Francisco." At saka siya nilingon saglit. "We'll take boss's private plane." Nang hindi siya umimik at nakatingin lang rito ay saka lang ito muling nagsalita. "We are going to clean some mess."

Naintindihan niya ang ibig sabihin niyon ngunit hindi niya alam kung sino ang dapat iligpit.

Tahimik lang siya buong biyahe nila hanggang sa makasakay na sila ng eroplano. Mayaman at makapangyarihan talaga si Weber at walang sinoman ang gugustuhing kalabanin ito dahil parang pader ang babanggain kapag ginawa iyon.

S.I.A.T.T. Series Book 4: The Seductive GeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon