He started his day with a smile on his face. Seeing her lying beside him felt a sense of contentment on his part. He wanted to just lie with her on the bed the whole day.
Bago iyon sa kanya dahil sanay siya na kapag may nakatalik siyang babae sa gabi ay agad siyang umaalis kinabukasan at hindi na mag-aaksaya ng panahon na magpaalam pa. Pero pagdating kay Tali ay ayaw niyang bumangon at gusto lang niyang manatili sa tabi nito buong araw.
Mukhang tinamaan na nga siya ng lintik gaya ng sinasabi ng mga tao dahil nag-iba na ang pakiramdam niya para sa dalaga. Kung dati ay walang tumatakbo sa isip niya kung hindi pulos trabaho at mga bagong kaalamang natutunan niya, ngayon ay walang nasa isip niya kung hindi ito.
Parang kating-kati siyang umuwi mula sa trabaho para makita ito. At kapag kasama naman na niya ito ay ayaw niyang tumakbo ang mga kamay ng orasan para hindi matapos ang araw.
Nang magising na rin ito ay sabay na silang nag-agahan at pinabaonan pa siya ng pagkain para sa kanyang pananghalian.
Hindi na nawala ang kanyang ngiti kahit na makarating na siya sa trabaho. He's in a good mood right now and it is written all over his face.
"Why are you smiling that?" Tanong sa kanya ni Agent Viper habang kunot noong nakatingin sakanya. "You look... different."
Mas lalong lumapad ang ngiti niya.
"I feel different" sagot niya sabay akbay rito. "But in a good way."
"T-that's good." At saka siya hinarap. "Ahmmm... I was wondering if we could go out sometimes, you know- just a friendly date, you and me." Anito sabay ngiti sakanya.
Ngayon niya napansin ang sinasabi sa kanya ni Sniper na interesado nga sakanya si Aphrodite. Nailang tuloy siya dahil madalas siyang makipaglandian rin dito bilang kaibigan.
"S-sure." Sagot niya na tila nag-aalangan pa siya sabay alis ng braso mula sa pagkaka-akbay rito. "Pag di na tayo busy sa trabaho."
"Eh palagi naman tayong busy. Sa gulo ng mundo na ngayon, kailan pa kaya hindi magiging busy ang ahensiyang ito?" Nakasimangot nitong tanong.
"We'll see." At kunwari'y tiningnan niya ang relo. "Oh, I still have some things to do at my station, see you around." Paalam niya bago iniwan ito.
Halatang may nais pa itong sabihin pero hindi itinuloy at hinayaan na lang siya umalis roon.
He didn't know he was that naive for not knowing that she got some hots for him. Maybe because he didn't thought that agents can actually develop feelings with each other, especially with their line of work.
Akala niya mga bato ang puso at damdamin nila. Walang iniisip kundi ang mga delikadong misyon nila. Na wala silang oras para sa mga personal na bagay gaya ng pakikipagrelasyon. Gaya ng pag-ibig.
Love.
Love can really change a person's perspective in life. It can open their eyes and make them see possibilities that they can actually be happy without even trying. That it can really heal even the deepest unseen wounds. And it can make them fall for someone unexpectedly. And that's what love had done to him.
Love.
He's in love.
Nagulat siya sa realisasyong iyon. Marunong pala siyang magmahal, at ngayon nga ay aaminin na niya sa sarili na nagmamahal na siya. Mahal niya si Tali.
Nakangiti pa rin siyang pumasok sa kanilang kwarto pero nabawasan iyon ng kaunti nang maabutan niya sa loob ang kanyang ama. Mukhang kanina pa siya hinihintay nito. Hindi naman siya late pero bakit mukhang galit ito?
BINABASA MO ANG
S.I.A.T.T. Series Book 4: The Seductive Geek
General FictionWARNING: SPG / R-18 / mature content Special Intelligence and Advanced Tactical Team (S.I.A.T.T.) S.I.A.T.T. Series Book 4: The Seductive Geek Name: Stewart Ambrose Jackson Nickname: Stew Codename: Hacker Height: 6'2ft. Nationality: Filipino-Ameri...