Chapter Twenty Seven

2.1K 73 1
                                    

He hurriedly put on his clothes and then he sneaks a peek thru the window. He can't see anyone outside but there's a drone roaming around, and that proves that his team has arrived.

"Fuck!" Mura niya sabay hinagilap kung nasaan ang baril niya.

Napadako ang tingin niya kay Tali nang tumayo ito mula sa kama at nagpunta sa isang sulok habang may hawak ito sa likod.

"I'm sorry." Sabi nito na ipinagtaka niya.

"What are you saying?" Tanong niya at akmang pupuntahan ito pero napahinto siya nang makita niya na hawak nito ang baril niya. "What are you trying to do?"

Tiningnan ng babae ang hawak na baril pagkatapos ay tumingin naman sa kanya na may malulungkot na mga mata.

"What I should've done when I had a chance." Anito na biglang pinagkakalas ang kanyang baril at saka itinapon sa malayong parte ng kwarto. "I don't want to cause any more trouble for you." At saka sumeryoso na ng tingin. "Let them take me."

Nagulat siya sa sinabi nito. Hindi niya lubos maintindihan kung bakit nito iyon ginawa. Mukhang ito ang may kagagawan para makuha ng ahensiya ang kanilang lokasyon. Gusto na nitong sumuko kesa magtago kasama niya.

Pero naagaw ang atensyon niya nang marinig ang mga yabag mula sa baba paakyat sa kinaroroonan nila. Wala siyang armas kung kaya't lalaban na lang siya ng mano-mano.

"I won't let them take you without putting a fight!" Wika niya kahit hindi na siya nakatingin sa babae.

Nang bumukas ang pinto at iluwa roon ang mga kapwa agents niya ay kinuha niya ang pagkakataon nang halos lahat ay nagulat sa pagkakakita sa kanya roon.

"Stop it, Stewart! Don't fight them off." Pigil sa kanya ni Tali habang nakikipaglaban na siya sa kanyang mga kasamahan.

Hindi niya ito pinakinggan at nagpatuloy lang sa ginagawa. Hindi rin naman siya ginamitan ng ibang agents ng armas kaya't naging patas lang ang labanan.

Sa gilid ng kanyang mga mata ay may nakita siyang muling pumasok roon pero hindi na niya nagawang lingunin dahil pinipigilan niya ang ibang nagtatangkang lumapit sa dalaga.

Dahil pare-pareho silang trained sa pakikipaglaban ay matitibay lahat at kahit na may masasakit na at may mga baling buto ay hindi pa rin tumitigil.

Napabaling lang ang tingin niya sa mga bagong dating nang may tumawag sa kanyang pangalan.

"Hacker!" Sigaw ni Sniper. "What are you doing?" Takang takang tanong nito.

Isn't it obvious? I'm fighting our way out!

Iyon ang gusto niyang isatinig pero ayaw niyang biglain ang mga kasamahan.

"Please back off sweetheart, I don't want to hurt you!" Utos niya rito.

"What the fuck are you doing Hacker? Why are you here? How did you know this place?" Si Dagger naman.

Hindi ganito ang inaasahan niyang pagkikita nila ng mga kasamahan at malaman ng mga ito ang kanyang ginawang pagtatraydor. Pero narito na sa harapan niya at kailangan na lang niyang panindigan ang lahat.

"Because I came here with her." He said, motioning his head towards Tali.

"What?" Halos sabay na sambit nina Krae at Reese. "She's a spy! An enemy to our organization, so you should get away from her!" Utos ng lider nila.

Mas lalo lang siya nakaramdam ng paghahamon. Hindi siya susuko at lalaban siya hanggang huli kahit pa mismong mga kaibigan niya ang kanyang babanggain.

"No! No one should dare come near her! If you want to try then you'd have to pass thru me first!" Banta niya na hinarangan pa ang dalaga sa kanyang likuran.

S.I.A.T.T. Series Book 4: The Seductive GeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon