He groaned as he was trying to open his eyes. The painful sting at the back of his head is making him dizzy but he's trying to fight it off.
He just woke up from a long dream, like it just happened yesterday. And now that he's awake, why does it feel like he's in some sort of a nightmare?
Pilit niyang inaaaninag ang lahat, pilit pinapalinaw ang mga mata para makita niya kung ano na ang nangyayari roon. Tumingala siya at nakita niyang naka-kadena ang kanyang mga kamay pataas kaya't hindi niya maigalaw nang mabuti ang katawan.
Paglingon niya sa kanyang kaliwa ay nakita niyang gising na din si Dagger samantalang pinipilit ding gumising ni Striker tulad ng ginawa niya kanina. Sa kanan naman niya ay si Ryder pa lang ang gising at sina Archer at Sniper ay wala pa ding mga malay. Napamura siya nang makita ang dugong umaagos sa gilid ng ulo ni Sniper, tanda nang malakas na pagkakapalo rito.
Tumingin siya sa harap para sana hagilapin ang lalaking may pakana ng lahat ng iyon pero ang unang bumungad sa kanya ay ang kanyang ama na nakatali sa upuan habang duguan ang buong katawan.
Nagtagis ang panga niya dahil sa kaawa-awang itsura nito habang nakapikit at pinipilit lang din patatagin ang sarili kahit alam niyang hinang-hina na ito. Nang dumilat ito ay nagtama ang kanilang paningin at nakita niya ang lungkot roon dahil sa sitwasyon nila.
Naalala tuloy niya ang huling sinabi nito sa kanya bago ito biglaang nawala. Hindi niya alam kung bakit nito kailangang magpunta nang magisa sa pugad ng kalaban at ilagay ang sarili sa kapahamakan.
Sinundan niya ng tingin ang mga iba pang nakahilera sa kanyang ama na mga nakatali rin sa upuan gaya nito.
He knows the three of them- the Sanford couple and the former Chief of Staff of the Philippines, General Agapito Suarez. But the last man, he doesn't know him, but his face is somewhat familiar.
Nagtataka siya kung bakit naroon din ang mga taong iyon? Ano ba ang nangyayari dito at sino ba ang kalaban nila?
Naagaw ang tingin niya nang pumagitna na ang lalaking nagtutok ng baril sa kanyang ama kanina. Sa sobrang galit niya ay gusto niya itong sugurin at basagin ang pagmumukha nito pero kahit anong gawing hila niya ay mahigpit ang kadenang nakapalupot sa kanyang mga kamay.
"So how's everyone, huh? Did you liked my surprise?" Wika ng lalaki sa gitna.
These aren't Marco's men.
Untag niya sa isip dahil ngayon lang din niya nakita ang mga tauhan nito. Mukhang walang kinalaman ito sa grupo ni Marco kaya't ibig sabihin ay ibang kalaban ang kaharap nila.
"Stop this, let them go!" Sigaw ni Chief sa lalaki.
Agad naman nitong sinuntok ang kanyang ama kaya't napamura na silang tatlong lalaki at nagwawala na siya roon.
"Fuck you!!" He cursed as he was trying to pull his hands. "I'm gonna kill you, you son of a bitch! I'm gonna skin you alive, Mother fucker!"
Nagsisisigaw din sina Ryder at Dagger kagaya niya.
"Oh I will! I'll torture each and everyone of you later and I'll let your boss watch that." Sagot ng lalaki.
Kumuyom naman ang mga kamao niya.
"What do you want? Why are you doing this?" Tanong niya.
Ngumisi naman ang lalaki na parang nakakaloko.
"Revenge." Sagot nito habang isa isa silang tinitingnan. "That's what I want. I want all of you to suffer the way I did when you took someone so important to me." Anito.
Naguguluhan siya dahil hindi nila ito kilala. Sino ang tinutukoy nito na kinuha nila mula rito? May kamag-anak ba itong isang kriminal na napatay nila kaya ito naghihiganti?
BINABASA MO ANG
S.I.A.T.T. Series Book 4: The Seductive Geek
General FictionWARNING: SPG / R-18 / mature content Special Intelligence and Advanced Tactical Team (S.I.A.T.T.) S.I.A.T.T. Series Book 4: The Seductive Geek Name: Stewart Ambrose Jackson Nickname: Stew Codename: Hacker Height: 6'2ft. Nationality: Filipino-Ameri...