Chapter Twenty

1.9K 71 0
                                    

She muttered some low curses while getting inside Morris Pharmaceutical building after hearing some loud gun shot. She knew better that their target was her.

Palinga-linga siya dahil baka bigla ding may nakapasok sa loob at barilin siya nang hindi niya nalalaman.

"Hey, I'm asking you, are you alright?" Tanong ni Stewart sa kanya sabay hawak sa kanyang mga braso para kuhain ang atensyon niya.

"Y-yeah, I'm fine." Tumatangong sagot niya. "How bout you?" Tanong niya habang sinisipat rin ito kung may tama ba ito. At nang wala naman ay nakahinga siya nang maluwag. "What was that all about?" Kunwari'y tanong niya.

Gusto niyang malaman kung may alam na ba ito sa nangyayari roon. Na nadadamay lang ito nang dahil sa kanya.

"I don't know." Kasabay ng pag-iling. "I don't who they are after-me or you."

Nakaramdam siya ng kaunting pagkabahala pero agad din niyang piniksi iyon. Hindi niya maaaring ipahalata na may nangyayaring kakaiba roon, na may kinalaman siya sa lahat.

"Maybe the person who tried to hurt me the last time isn't done yet. He's just taking his time to attack again." Aniya para ilayo ito sa katotohanan.

"Don't worry, I won't let anything happen to you. I swear that as long as I'm here, they will never touch you." Pangako nito.

Para naman siyang sinuntok sa dibdib dahil sa mga binitawan nitong salita. Handa itong protektahan siya kahit alam niyang nagdududa na rin ito sa tunay niyang pagkatao.

"No. Don't" At umatras pa siya. "I want you to stay away from me." Kita niya na kumunoot ang noo nito dahil sa sinabi niya. "I don't want you to get involve with my problems. I don't want you to get hurt."

Totoo ang sinasabi niya ngayon. Ayaw niyang madamay ang binata sa mga ginagawa niya at sa problemang kinakaharap ngayon. Ayaw niyang masaktan ito at hindi kakayanin ng konsensiya niya kapag napahamak ito nang dahil sa kanya.

Pero kaagad siya nitong hinawakan muli sa magkabilang braso para hindi na siya makawala pa rito.

"I'm sorry but I can't do that. I don't have the courage to stay away from you anymore." At saka hinaplos ang kanyang mukha. "I'll risk everything for you, baby. I'll do whatever it takes to protect you. I will keep you safe no matter what."

He was staring deeply into her and then he bent down to give her a light, sweet kiss as a form of seal for his promises.

Hindi na siya muli pang nakasagot at nagpatianod na lang sa mga kagustuhan ng binata. Naging tahimik na lang siya buong biyahe nila papunta sa isang lugar na pagdadalhan nito sa kanya. Doon daw muna sila sa isang safe place para mailayo muna siya sa mga gustong manakit sa kanya.

Nasa may kabundukan banda ang lugar at malamig ang simoy ng hangin dahil nasa mataas na parte sila.

"We'll stay here for awhile just until our situation cools down." Sabi nito nang makapasok na sila sa loob ng bahay.

Hindi siya umimik habang nasa may kusina naman ito para ayusin ang mga dala nilang groceries. Wala siyang sagot dahil hindi niya gusto ang ideya nito. Siya lang dapat ang nagtatago at hindi ito.

"You can tell me what's running inside your head right now." Anito nang nilapitan siya at hinimas ang kanyang mga braso para painitin iyon dahil medyo nilalamig na siya.

"I'm sorry." At napayuko siya dahil hindi niya kayang tingnan ito sa mga mata. "For bothering you this much." Napakagat-labi siya para pigilan ang damdaming nagbabadyang kumawala. "Hindi mo naman ako kailangan pang samahan rito. Ayokong magbago din ang takbo ng buhay mo nang dahil lang sa akin." At saka niya inangat muli ang mukha para makita ito. "This isn't your fight. Don't risk your life for me."

S.I.A.T.T. Series Book 4: The Seductive GeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon