Chapter Twenty Five

2K 77 3
                                    

He was happy that Archer is out of danger already. Sniper had brought her back and she was undergoing a recovery procedure with Striker.

Mabuti na lang talaga at nailigtas ito mismo ng kliyente nitong si Thompson. Ayaw niya na mabawasan pa siya ulit ng mga importanteng tao sa buhay niya gaya ng mga kaibigan. Sila na kasi ang pangalawang pamilya na itinuturing niya.

Silang dalawa lamang ni Reese ang nasa kwarto habang tulog ito sa sarili nitong upuan. Iniisip niya si Tali at ang masasakit na bagay na nasabi niya rito bago siya umalis. Nadala lamang siya ng galit na nararamdaman niya.

Nag-iwan siya ng isang maliit na camera at tracker sa sasakyan nito para kung sakali mang magtatago itong muli ay mahahanap na niya.

Naka-on ang tracker kaya't alam niyang naroon pa rin ito sa pinagtataguan nitong bahay. Nakatitig siya sa kanyang computer screen nang bigla may lumabas roon na isang emergency alert kasabay nang malakas na pagtunog ng alarm.

Intruder alert! System has been breached!

Iyon ang nakasulat sa kanyang computer screen.

He immediately moved his fingers to tap on his keyboard. He needs to heightened their security level and prevent the intruder from hacking their system.

"Fucking shit!" Bulalas niya habang nagtitipa roon. "Someone's trying to breach our system." Paliwanag niya kay Reese na kagigising lang din.

Nagsipasok na rin sina Striker at Dagger roon dahil nagkakagulo na ang lahat sa labas.

"What are you going to do now? How would you suppose to stop this?" Tanong sakanya ni Sniper.

"I'm shutting our system down and build the firewall again to flush out the intruder." At ilang saglit pa ay tumigil na ang tunog ng alarm.

He did flush out the breacher but he doesn't know the extent of damage it had caused.

"How did they enter our system?"

"The real question is, who did that and why?" Si Dagger na sinagot ang tanong ni Sniper.

Natahimik lang silang lahat at nagkatinginan. Biglang pumasok sa isip niya si Tali pero kaagad din niyang sinaway ang sarili dahil imposibleng may kinalaman ang dalaga dahil wala naman itong ginawa nang magkasama sila at wala siyang dala na kahit ano para paglagyan nito ng virus.

Maya-maya pa ay narinig na nila ang isang anunsiyo mula kay Chief na magkakaroon ng isang malawakang meeting pagkatapos nilang maayos ang firewall para hindi na maulit ang ganitong pangyayari.

"Damn it! I can't believe someone just penetrated the firewall I designed. It was supposed to be impenetrable." Halos hindi makapaniwalang untag niya.

Secured ang pagkakagawa niya at siniguro niya na hindi iyon mapapasok nang sinoman mula sa labas. Naka-high level alert iyon at mangangailangan pa ng access mula sa mga matataas na opsiyal ng ahensiya. Kaya't napaka-imposibleng mapasok iyon.

"Maybe that person was a genius like you." Kibit balikat na turan sa kanya ni Reese.

Sinimangutan lang niya ito dahil sa pagkukumpara nito sa kanya at sa taong nanloob sa kanila.

Sila ni Cypher, kasama ang iba pang computer geeks ay nagtulong tulong para ayusin na ang problema. Sinipat nila lahat ng maaaring ginawa ng nakapasok sa kanila.

Nagsisimula na sila sa meeting habang patuloy pa din sila sa pagsisiyasat.

"Secure all our files and important documents. Make sure that they won't tap on any of it, specially the data base of the entire agents of this organization. Hindi maaaring makakuha sila ng impormasyon sa katauhan nating lahat dahil paniguradong gagamitin nila iyon laban sa atin." Utos ng kanyang ama.

S.I.A.T.T. Series Book 4: The Seductive GeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon