He didn't even think twice and just took off with her and brought her down to one of his safe places in Blue Ridge. It was a two hours drive from their home in Atlanta.
Pagkatapos na pagkatapos ng nangyaring pamamaril sa kanila ay inaya na niya ang dalaga na umalis roon. Bumalik lang sila saglit sa headquarters para kunin ang kanyang sasakyan at makapagpaalam sa ama na mag-undertime siya sa trabaho.
Hindi niya magawang ieksplika nang maayos kay Chief kung bakit siya nagmamadaling umalis. Basta't sinabi lang niya na emergency at kamuntik nang mapahamak ang isang kaibigan niya. Hinayaan na lang siya nito basta't kailangan ay papasok pa rin siya bukas.
Dumaan din sila sa kani-kanilang bahay para kumuha ng mga gamit. Pagkatapos ay inikot ikot muna niya ang sasakyan para kung may sumusunod man sa kanila ay naiwala na niya bago siya bumiyahe papunta sa kanilang pupuntahan.
Nasa may paanan ng dalawang bundok ang isa sa mga taguan niya kaya't hindi sila basta basta makikita roon. At wala masyadong nagpupunta roon dahil private property niya iyon at siniguro niya na tagong tago ang lugar niya para walang makapasok na kung sino.
Kasalukuyan niyang inihihinto ang sasakyan sa tapat ng log cabin niya. Dahil ginabi na sila ay madilim na ang paligid at ang tanging ilaw lang nila ay nagmumula sa headlights ng kanyang sasakyan. Bumaba siya at saglit nilingon ang paligid bago binalingan ang kasama.
"Stay here."'utos niya sa dalaga bago ito iniwan at umikot sa likod ng bahay para mabuksan ang koneksyon ng kuryente sa buong lugar.
Nang magka-ilaw na ay saka siya bumalik para ayain na ito sa loob. Dala ang mga gamit ay sabay na silang pumasok sa log cabin niya.
"We'll stay here for awhile just until our situation cools down." Sabi niya at dumirecho sa kusina para ayusin ang mga grocery at ilang pagkaing binili nila.
Nang lumipas ang ilang minuto na hindi nagsasalita ang dalaga ay nilapitan niya ito. Simula pa kanina ay wala itong imik sa buong durasyon ng biyahe nila. At nang bago naman sila bumiyahe ay maiiksi lang ang tugon nito sa tuwing tatanungin niya.
"You can tell me whatever it is that's running inside your head right now." Aniya at saka hinimas ang magkabilang braso para mainitan iyon dahil malamig sa paligid at hindi pa niya nalagyan ng kahoy ang fire place para masindihan na iyon.
"I'm sorry." At yumuko ito. "For bothering you this much. Hindi mo naman ako kailangan pang samahan rito. Ayokong magbago din ang takbo ng buhay mo nang dahil lang sa akin." At iniangat ang mukha at saka siya tinitigan. "This isn't your fight. Don't risk your life for me."
Kung ang dating Stewart Ambrose Jackson ang kaharap nito ay sasang-ayon siya rito. Hindi nga niya kailangan pang mag-laan ng oras para lang siguruhin ang kaligtasan nito. O di kaya'y hihikayatin niya itong kunin ang serbisyo ng isa sa mga agents ng organisasyon nila para bantayan ito at tulungan sa problema.
Pero iba na ang kaharap ng dalaga at ito pa mismo ang naging dahilan para siya'y magbago. At handa siyang gawin ang lahat, mailayo lang niya ito sa kung sinoman ang gustong manakit rito.
"You're a risk I'd be more than willing to take. And I'll fight for you till the end, no matter what the consequences are." At saka hinaplos niya ang mukha nito.
Kita niya na naroon amg mumunting luha na namumuo sa mga mata nito. Agad na iniwas ng dalaga ang sarili sa kanya na para bang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya.
"It was a long day and I am very tired. I want to rest now." Sabi nito at saglit na nilingon siya. "And I want to be alone."
Tango lang ang isinagot niya bago ito sinamahan sa itaas para ituro ang kwarto nito. Binigyan din niya ng magagamit na mga bagong bedsheet ito at kumot. Pagkatapos ay iniwan na niya ito para hayaang mag-isa.
BINABASA MO ANG
S.I.A.T.T. Series Book 4: The Seductive Geek
General FictionWARNING: SPG / R-18 / mature content Special Intelligence and Advanced Tactical Team (S.I.A.T.T.) S.I.A.T.T. Series Book 4: The Seductive Geek Name: Stewart Ambrose Jackson Nickname: Stew Codename: Hacker Height: 6'2ft. Nationality: Filipino-Ameri...