He was still torn on what to do next, now that his agency knows about Thalia's existence and her conspiracy on the breaching issue. He's thinking about the oath he took when he first joined the US Navy. He swore that he would always choose to side with the truth and do what is right and just.
Aside from that, he came from a family of soldiers, who taught him to always display obedience and allegiance to the organization that he's working for. It was so easy for him to do all that, if it wasn't her who's life is on the line.
He's so much in love with her and there's no point of denying that now. Hindi naman siya mahihirapan nang ganito kung hindi niya mahal ang dalaga. Ni ayaw niyang nakikita itong nasasaktan kaya't papaano niya ito hahayaan na mahuli ng mga kasamahan?
Ano nga ba ang mas mahalaga sa kanya? Ang kanyang pamilya at kaibigan o ang babaeng mahal niya? Ano ba ang mas matimbang? Ang kanyang tungkulin o ang kanyang puso?
Kahit ano ang piliin niya ay may masasaktan at mahihirapan. Kaya hindi madali para sa kanya ang magdesisyon, lalo na at oras ang kalaban niya ngayon.
"What am I, your chauffeur?" Sarkastikong tanong niya pagbaba niya mula sa sasakyan at sabay hagis ng susi kay Ellis.
Sinundo niya kasi ito gamit ang sarili nitong sasakyan sa airport. Masaya siya na nakabalik na din ito dahil marami nang kaguluhan ang nangyayari sa ahensiya. Kailangan na nilang magtulungan lahat para maumpisahan ang bagong misyon para kay Sanford.
"If you want to, why not?" At tinapik pa siya sa balikat. "Thanks Hacker!" Natatawang sabi nito. "Do you want us to drive you back to the headquarters before we head to the hospital?" Alok nito sa kanya.
"No need, I can manage from here. I'll be heading somewhere else too." Sagot niya, kahit ang totoo ay hindi pa niya alam kung saan nga ba siya talaga pupunta dahil hindi pa din siya makapagdesisyon. "The investigation about the security breaching in our agency is still on going. We failed the entrapment operation last night for the said breacher, so we still have to locate that person ASAP. The breacher stole some confidential files and may have tapped on our private data- personal datas of all the agents." Paliwanag niya at saka tumingin sa babaeng kasama nito.
Kamukha nga talaga ni Avery ang kakambal nitong si Ivory. Mahirap mahanap ang pagkakaiba, maliban na nga lang siguro sa paraan ng pananamit at pagkilos.
"Hey stop staring at her!" Awat ng kaibigan sa kanya na hinarangan pa ang babae.
Nagulat siya sa reaksyon nito at sa ayos nito na para bang pag-mamay ari nito ang dalaga at kulang na lang ay bakuran nito para walang makalapit na kahit sino.
"Whoah! Was that jealousy I hear, Ryder? You sounded so possessive man." Pang-aasar niya.
"Shut up!" Bulyaw nito.
"Alright! Easy man!" At itinaas pa niya ang dalawang kamay bilang pagsuko sa pang-aasar rito. "I'm just excited coz you're back. We need you for the next mission, there's so much going on here while you were away. Just finish your job so we can start the new mission. Pag-isipan mong mabuti ang suhestiyon ko, mas mapapadali ang paghuli mo sa baliw na stalker niya."
Siya kasi ang nagsabi rito na ipain nito si Ivy para mapalabas nila si Jason na siyang stalker ng dalaga. Iyon ang paraan para mahuli nila ito.
"It's too dangerous for her. I can't let her expose herself like that. It's too risky." Tanggi ni Ryder.
At doon na tumino sa isip niya na may nag-iba na rito. Mukhang hindi na si Avi ang laman ng puso nito kung hindi ang babae sa tabi nito. Tinamaan na rin ito ng lintik gaya niya. Kaya ayaw nito na basta na lamang ilagay sa kapahamakan ang buhay ng dalaga dahil kahit siya ay hindi rin papayag sa ganoong ideya kung si Thalia ang paguusapan.
BINABASA MO ANG
S.I.A.T.T. Series Book 4: The Seductive Geek
General FictionWARNING: SPG / R-18 / mature content Special Intelligence and Advanced Tactical Team (S.I.A.T.T.) S.I.A.T.T. Series Book 4: The Seductive Geek Name: Stewart Ambrose Jackson Nickname: Stew Codename: Hacker Height: 6'2ft. Nationality: Filipino-Ameri...