Chapter Nine

2.2K 85 1
                                    

He was not having a hard time, keeping himself wide awake the entire trip. What she said to him echoed inside his head while he was driving so he never felt sleepy at all.

He glanced at the passenger side and he saw her lying her head at the back rest of her seat. She was napping while her beautiful face is facing towards his.

She was right. He can lie to her but he can never lie to himself. Her beauty was definitely his type and he kind of attracted to her.

There. He finally admitted to himself that he was indeed attracted to her. And that there's an indescribable feeling of attraction or desire building between them.

Sa totoo lang ay hindi niya alam ang gagawin sa nararamdaman niya. Sa tingin niya ay sagabal lang iyon o makakagulo lang sa buong sistema niya. Ayaw niyang mawalan ng kontrol sa sarili, sa isip, dahil baka hindi niya magawa nang tama ang trabaho niya.

In his line of job, he needs to have a clear mind to execute his missions successfully. There are lots of at stake and he can't bear to lose himself to this unknown feeling.

But what if his heart is involve too? Can he risk everything because of it? Because of her?

"Damn it!" Mahina niyang mura na halos siya lang ang nakakarinig dahil sa mga tumatakbo sa isip niya.

Tumingin na siyang muli sa daan na tinatahak. Pasado alas singko na ng umaga kaya't lumiliwanag na ng kaunti dahil pasikat na ang araw. Malapit na din sila sa lugar na pupuntahan kaya't makakapagpahinga na rin siya. Sampung oras na siyang nagmamaneho at hindi na siya nakipagpalit sa babae kahit pa ilang ulit itong nag-alok. Inabot sila ng ganoong oras dahil huminto pa sila sa isang diner para makapag midnight snacks.

Nang tumatama na ang sinag ng araw sa kanilang harapan ay muli siyang napalingon sa dalaga. Napakaganda talaga nito kaya't hindi niya naiwasan ang haplusin ang mukha nito gamit ang likod ng kanyang palad.

Dahil roon ay nagising ang dalaga kaya't agad niyang inalis ang kamay at ibinalik ang tingin sa daan.

"The sun is up and we're almost there." Untag niya para kunwari ay sinadya niya itong ginising.

"Sorry I fell asleep." Anito habang kinukusot ang mga mata.

"Ayos lang. Mabuti nga at nakatulog ka para hindi ka antukin mamaya sa beach." At nilingon ito saglit para ngitian.

"Pero ikaw naman ang napagod at napuyat sa pagmamaneho. Sabi ko naman sayo na magsalitan tayo sa pagmamaneho eh." Anito na nakanguso.

"Ayos nga lang. Sanay naman ako sa puyatan eh."

"Isinama kita hindi para gawing driver no!" Pamimilit pa din nito.

"Kahit na ikaw pa ang nagmaneho ay hindi rin naman ako makakatulog at buong biyahe din akong gising. Kaya mas mabuti na ako na ang nagmaneho at ikaw ang natulog." At pinadilatan na niya ito para hindi na muli pang humirit.

"Fine. Ililibre na lang kita ng isang masarap na almusal na may unlimited
hot coffee." Nakangiting sabi nito.

Napangiti din siya dahil roon. Alam na nga din ng dalaga ang solusyon sa puyatan niya.

Sa isang sikat na breakfast diner sila kumain ng almusal at nagpakalunod nga siya sa unli-coffee dahil hindi siya makakatulog kung buong araw balak magswimming ng dalaga.

Pagkatapos nilang mag-agahan ay dumirecho na sila sa tutuluyan nila. Akala niya ay sa isa sa mga hotel sila naka-check in pero may kakilala raw ito na may bahay roon at pinahiram sakanya dahil wala namang nakatira sa ngayon.

"Sa kasamahan mo sa trabaho ang bahay na ito?" Tanong niya nang maibaba na niya ang mga gamit nila pagpasok sa loob ng bahay.

"Ahmm, yeah. Wala naman daw kasi nakatira kaya inalok niya kaysa maghotel daw tayo." Sagot nito at saka hinawi ang kurtina kaya't bumungad sa kanila ang magandang tanawin.

S.I.A.T.T. Series Book 4: The Seductive GeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon