Chapter Ten

2.3K 76 1
                                    

Why does it feel that he was having a fucking vacation right now?

Kung sa bagay ay hindi naman siya hired bodyguard ng dalaga, siya lang naman ang nagpresinta dahil gusto niyang protektahan ito. Kaya't para nga talaga siyang nagbabakasyon kasama ito.

Iisipin na nga lang niya na ganoon ngunit hindi pa rin siya maaaring magpakapanatag dahil hindi pa rin nila alam kung sino ang umatake rito noong isang gabi.

Lalaki siya at iba ang tumatakbo sa utak niya nang sabihin sa kanya ng dalaga na gusto nito ang pagiging possessive niya rito. Siya ang natatakot dahil ngayon pa lang nga na may umaaligid na mga lalaki rito ay gusto na niyang sakluban ito para wala nang makakita pa na iba. Eh papaano pa kaya kapag hinayaan siya nito na magpaka-possessive? Baka magwala siya at madukot niya ang mga mata ng kung sinoman ang titingin.

He can turn into a crazy maniac who would go for a killing spree just to let other men stay the fuck away from her. That's how possessive he can be to her and it is too damn scary.

"Do you know anyone who would want to hurt you?" Tanong niya sa dalaga habang pareho silang nakaupo habang nakababad ang kanilang mga katawan sa dagat.

Umaabot lamang sa kanyang tiyan at sa may dibdib naman ng dalaga ang tubig kung kaya't natutuwa siya dahil naitatago na nito ang katawan sa ibang tao. Hindi niya maintindihan ang sarili dahil sa asar na nararamdaman sa tuwing may tumitingin ritong ibang lalaki, lalo na't mababanaag niya ang paghanga at pagnanasa sa mga mukha ng mga hinayupak.

"I can't think of anyone because I just came here a few weeks ago. Sa lab naman wala naman din akong hindi kasundo, lahat naman mababait sakin." Sagot nito habang nilalaro ang tubig dagat gamit ang mga kamay nito.

"Sa tingin ko kasi ay may nag-utos dun sa taong nagpunta sa bahay mo noong isang gabi. Parang sinadya lang na takutin ka dahil kinalampag lang niya ang pintuan para tumunog ang alarm. Kita ko sa CCTV na may kausap siya sa earpiece niya."

Kita niya na parang natigilan ito saglit pero walang takot siyang nakikita sa mukha nito.

"I don't know who would do such thing just to scare me." Sagot nito pagkatapos ay sinabuyan siya ng tubig sa mukha.

Narinig niya ang paghalakhak nito habang pinupunasan ng kanyang mga kamay ang tubig sa kanyang mata. Gumanti rin siya ng pagsaboy hanggang sa para silang naging bata na naglalaro na ng sabuyan.

"Okay enough." Awat na niya.

"Tss, talo ka lang eh kaya ayaw mo na." Anito at saka lumusong na sa tubig at lumangoy palayo sa kanya ng kaunti bago siya nilingon muli. "Come on let's have a race." Aya nito. "The first one who will get to that boat will be the winner and whoever loses will pay for lunch."

Napangiti siya ng kaunti dahil roon. Gusto niyang tanungin ito kung sigurado ba ito sa paghahamon sa kanya dahil nasabi na niya rito na dati siyang miyembro ng Navy SEAL. At nasabi rin niya kung gaano siya kagaling lumangoy at sumisid kaya't mapapasubo ang kung sinoman ang hahamon sa kanya.

Wala namang problema kahit siya pa ang magbayad ng kakainin nila mamaya pero hindi ibig sabihin niyon ay magpaparaya na siya sa paglangoy. Papakitaan niya ito ng kanyang galing para hindi na siya nito hamunin sa ganoong bagay.

"Sure. Just don't cry like a baby if you lose." Pang-aasar niya.

"Huwag puro yabang, Jackson. Baka ikaw pa ang umiyak pag natalo kita." Balik nito sa kanya at saka na pumuwesto para sa masimulan na nila ang laro.

Bumilang ito ng tatlo at saka naunang lumangoy. Sinadya talaga niya na paunahin ito ng kaunti para hindi naman gaanong obvious mamaya ang layo nilang dalawa kapag tinalo niya ito. Lagpas isang kilometro ang layo ng bangka sa kanila at sa nakikita niya ay mabilis at magaling ngang lumangoy ang dalaga. Pero hindi pa rin papantay sa kanyang galing.

S.I.A.T.T. Series Book 4: The Seductive GeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon