Chapter Eight

2.4K 86 2
                                    

"That's Stewart with an Echo and Whiskey then Alpha, and not with just Uniform and Alpha. Did you get it?" Inis niyang tanong sa kausap sa kabilang linya.

Pagkatapos ay bumuntong hininga siya pagkababa ng telepono. Naiinis siya dahil palagi na lang nagkakamali sa ispeling ng pangalan niya. Kailangan pa niyang i-spell out sa lahat ng nakakausap niya para lang maitama.

Nagpapadeliver kasi siya ng mabilisang brunch niya dahil marami pa siyang kailangang gawin. At hindi siya maaaring basta-basta na lang umaalis sa pwesto niya dahil baka magsipagtawagan ang mga kasamahan niya para kailanganin ang tulong niya.

Biglang pumasok sa isip niya ang text message na nareceive niya kay Tali kahapon ng hapon. Inaaya siya nito na sumama rito sa lakad nito bukas. Hindi niya ito nagawang sagutin dahil una, may mga trabaho siya na hindi pwedeng iwan. Pangalawa, hindi niya alam kung papaano niya ipapaalam sa kanyang ama kung saan at bakit siya aalis gayong tambak ang mga gawain niya sa headquarters. At ang panghuli ay hindi niya alam kung maganda bang ideya ang sumama siya sa dalaga.

Naguguluhan siya dahil alam niya na dapat siyang sumama para siguruhin ang kaligtasan nito lalo na't malabo pa ang dahilan ng pagkaka-atake sa bahay nito noong isang gabi. Pero tila may pumipigil din sa kanya na huwag nang sumama dahil kapag ginawa niya iyon ay parang siya ang malalagay sa kapahamakan. At iyon ang mas lalong nagpapagulo sa isipan niya.

Kaya nang bantayan niya ito kagabi ay sinabi niya na hindi pa siya sigurado kung makakasama siya rito nang tanungin siya nito tungkol roon. Ang dinahilan niya ay ang trabaho niya na totoo naman talaga. Naintindihan naman iyon ng dalaga at sinabi na ayos lang kung hindi siya makakasama basta tuloy ang alis ng babae.

Nakalimutan nga niyang tanungin kung saan ba ang punta nito para lang sana malaman niya kung saka-sakali mang hindi talaga siya makakasama. I-ha-hack na niya nang mas maaga ang lugar para mabantayan niya ito kahit nasa malayo ito.

Napabalik lang ang atensyon niya sa trabaho nang tumunog ang telepono.

"I need eyes in here Hacker." Bungad sa kanya ng kaibigang si Sniper. "I'm sending you the coordinates. I followed Oleg's eldest son here in some abandoned dock site."

Nang matanggap na niya ang coordinates na pinadala ng dalaga ay kaagad siyang nagtipa sa kanyang keyboard para hanapin iyon at i-hack ang lahat ng pwedeng i-hack roon.

"There's no CCTV or any useful line that I can hack. It is definitely an abandoned area." Aniya at patuloy pa rin sa pagtipa. "I'm gonna use the satellites now as our last resort."

Ang satellite na lang ang ginamit niya, na siyang mga CIA o mga OGA lang ang may access. Na-hack na rin kasi niya iyon at nagagamit niya nang hindi nalalaman ng mga ito.

They have limited resources because their existence is a secret even to other government agencies. So he needs to hack on every military and government bases to have an access to their devices and tools.

"Do you see anything?" Untag sa kanya ni Reese.

Nakita na niya ang live video mula sa itaas galing sa Satellite. At kita niya doon kung nasaan din banda nagtatago ang dalaga.

"Yeah. You can go through that building on your left, there is no one inside. Use the customized parabolic microphone I created so you can hear their conversation. You are near the water and its vibration will help you hear them clearly." Aniya na sinunod naman ng dalaga.

"I already killed Oleg's youngest son and I'm gonna fucking kill this one too.
And that will drive the old man crazy and he'd be spilling beans before we know it." Nasa tono nito ang kasiyahan. "And then I'm through with this mission."

S.I.A.T.T. Series Book 4: The Seductive GeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon