Thalia has driven him totally crazy when she stood there in front of him, almost naked. Only covering her body with just a towel, and while drips of water is running down her skin.
It's as if she was teasing him there, tempting him, luring him to give in. She was like pushing him to jump off a cliff and just let go, to just fall and just let himself drop without a question, without a little hesitation left.
Halos matuyuan siya ng lalamunan dahil sa itsura nito kaya't panay ang paglunok niya ng laway. Kung anu ano ang naglalaro sa kanyang isipan, mga bagay na gustong gusto niyang gawin dito sa mga oras na iyon na talaga namang nagpapainit na nang husto sa kanyang katawan. Na kapag hindi niya pipigilan ay baka bigla na lang siyang magliyab roon o di kaya'y bigla na lang siyang sumabog.
Kung kaya't tinalikuran na niya ito bago pa siya makagawa ng isang bagay at magkasala roon. Ngunit nang marinig niya ang sinabi ng dalaga ay halos hindi na niya maigalaw pa ang mga binti para maka-hakbang na siya nang tuluyan palabas ng kwarto nito.
Tila ba napako na siya roon at mas lalong pinahihirapan ng dalaga ang katawan niya. Nang sabihin nito na gusto nitong manatili siya roon ay nilingon niya ito nang dahan dahan para masigurado niya kung nagsasabi ba ito ng totoo o kung nagkamali lang ba siya ng pandinig.
Subalit nang mabasa na niya nang malinaw sa mga mata nito ang ibig nitong sabihin ay may tila pumitik na sa kanyang utak. Kung kaya't hindi na siya nagdalawang isip pa at saka pabagsak na hinila ang pintuan sa kanyang likod para maisara iyon, kasabay ng malalaking hakbang para makalapit at bigyan ito nang isang masidhing halik.
He already can't stop himself from wanting her. The raging fire inside him was already too big, and too hot to handle. He was just letting it consume him, burning him more and more.
At dahil wala siyang suot pang itaas at tanging sweat pants lang ay mas ramdam niya ang init at lambot ng katawan ng dalaga. Niyakap niya ito nang mahigpit, sa paraan na parang ayaw na niya itong makawala pa mula sa kanya habang patuloy siya sa paghalik nang mapusok at malalim rito.
Sinasabayan din ng dalaga ang paraan ng kanyang paghalik. Tinutumbasan nito ang init at intensidad niyon na mas lalong nagpapadarag sa kanya sa apoy na sinimulan nilang laruin.
Her sweet moan was like a music to his ears and he would love to hear it over and over again.
May nananatili pang sinulid ng pagpipigil sa kanyang isip. Bumubulong na itigil ang ginagawa habang pupuwede pa, habang may pagkakataon pa. At kahit hirap na hirap siya na itigil ang paghalik rito ay ginawa niya. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa magkabilang braso nito habang nagtatagis ang kanyang panga sa matinding pagpipigil.
"Please, tell me to stop." Nahihirapan niyang sabi. "Tell me to stop while I still can, while there's still a little control that's left in me."
Nagkatitigan silang dalawa at nasasalamin niya ang parehong alab ng apoy na nararamdaman niya ngayon sa mga mata ng dalaga kasama ang emosyong hindi niya maunawaan. Emosyon na kahit ang tulad niyang matalino at eksperto sa maraming bagay ay hirap pangalanan iyon.
They both wanted this, and they are both in pain because they are stopping themselves from what's evidently inevitable.
"Do you want to?" Tanong nito habang nakikipaglaban ng titigan sa kanya. "Do you want to stop?" Ulit nito. "Because I don't." seryoso ang tono nito.
At ang huling katinuan niyang natitira sa isip at ang maiksing pisi ng pagpipigil niya ay napatid na. Kung kaya't sinalubong na niya ang naglalakihang alon ng pagnanasa at nagpakalunod na nang husto rito.
BINABASA MO ANG
S.I.A.T.T. Series Book 4: The Seductive Geek
General FictionWARNING: SPG / R-18 / mature content Special Intelligence and Advanced Tactical Team (S.I.A.T.T.) S.I.A.T.T. Series Book 4: The Seductive Geek Name: Stewart Ambrose Jackson Nickname: Stew Codename: Hacker Height: 6'2ft. Nationality: Filipino-Ameri...