Chapter 5
Dream
Kiera’s POV
After the long years! She finally laughed again! It’s not forced or faked! That’s a genuine laugh!
I may sounds so exaggerated but hindi ko na magandaan kung kailan ko huling narinig ang natural na tawa niya. Sa sobrang tagal ay parang nakalimutan ko na ang tunog no’n.
I don’t know why but she just suddenly stopped showing that she care. Like a robot. It’s been years, now.
Nang mapagtanto niya ang ginawa niya ay tumikhim siya saka binalik ang seryoso niyang mukha.
Napakurap din ako at mabilis na nakabawi sa pagkagulat saka umayos ng tindig.
“O-Oh ano? Ano ba ‘yang kailangan mo at pumunta ka pa dito? Pulang-pula ka na, oh,” sabi ko sabay turo sa mukha niya.
Oh well, sobrang pula lang naman ng magaling kong kapatid dahil malamang sa sobrang taas ng lagnat niya.
Kitang-kita ang pamumula niya dahil wala siyang kasuot-suot na make-up at naka-pony tail siya ngayon.
“Ano pa? Dalhin mo ako sa doctor,” sabi niya kaya napa-irap ako.
“Oh please, Black...malaki ka na,” sabi ko at tumalikod na para umalis.
Kahit kailan ay hindi pa rin siya nagbabago, ayaw pumunta sa doctor kapag siya lang mag-isa!
“Hindi mo ako sasamahan?” Tanong niya.
“No. Malaki ka na,” sabi ko habang naglalakad palayo.
“Fine!” Singhal niya.
Hindi ako sumagot dahil akala ko ay aalis na siya pero nagulat ako nang muli siyang magsalita.
“Sige...bye-bye Mr. Quilee!” sabi niya na dahilan ng pagtigil ko sa paglalakad at nanlaki ang mga mata.
Dali-dali akong lumingon sa kaniya at nakita ko ang stuff toy kong tiger na nasa kanya at akmang tatangalin ang ulo.
Ang stuff toy ko na matagal na sa akin. Bigay pa iyon sa akin ni Grandpa nung 7th birthday ko at tinatago ko pa rin iyon hanggang ngayon.
“No!” Sigaw ko at dali-daling lumapit sa kanya.
“What?” Mapanuyang tanong niya.
“I-I’ll come with you and give me my toy back,” sabi ko at inilahad ang kamay.
Ngumisi siya sa akin bago binato si Mr. Quilee sa akin na agad ko namang nasalo.
“Good. Iyon lang pala, eh” Nakangising sabi niya at tumalikod.
Ngumuso ako saka hinaplos ang stuff toy at tumingin sa kaniya. Ngunit nakakailang hakbang pa lang siya ay natigilan na siya at mabilis pa sa alas-kwarto na ibinalik ang hood niya bago yumuko.
Kunot noong lumapit ako at nakita ko si Samuel na nakatingin kay Black--no...sa leeg ni black. As far as I know, isang kwintas lang ang meron si Black. Ang kulay itim na pusa na nasa loob ng isang maliit na ring at bukod pa duon ay may singsing pa siyang nakasabit duon.
Lumapit ako kay Black at kumapit naman siya sa may braso ko habang nakayuko pa rin.
“Excuse me...aalis na kami,” sabi ko kay Samuel.
Lalampasan na sana namin si Samuel pero hinawakan niya ang braso ni Black dahilan para mapahinto kami.
“May kailangan ka?” Tanong ko dahil alam kong ayaw magsalita ni Black ngayon.
BINABASA MO ANG
Black and Pastel | ✓
БоевикThe Cuanco twins transferred in a school to get a new start. They were bullied because both of them have bizzare looks. They are both perculiar in their own ways. One who prefer all black as her overall style and one who's as colorful as a rainbow...