Chapter 36
Graduate
Catherin’s POV
Look how fast years passed by. It’s been almost two years since Kiera left us and it is already our graduation.
Nagtatampo nga ako dahil hindi man lang siya nagpaalam sa amin at hindi na niya kami kinontak. Kahit anong hanap ko sa kanya sa social media ay hindi ko siya mahagilap.
Ang sabi ni Black ay babalik siya ngunit walang Kiera na bumalik sa Sapphire University.
“Waa! Ga-graduate na tayo!” Tili ni Bernie sa tabi ko.
“Manahimik ka nga! Kahit kailan, ang ingay-ingay!” Suway ko sa kaniya.
“Bakit ba? Masaya ako dahil tapos na rin ang pag-aaral ko! Nakakapagtrabaho na ako at makakalayas na rin sa wakas sa pamamahay namin!” Nakangusong sabi ni Bernie at umirap ako.
“Bubukod ka na ba, Bernie?” Natatawang tanong ni Sandro.
“Hindi. Baka aantayin ko ang muna ang pagputi ng uwak sa bahay namin,” Sarkastikong sabi ni Bernie na ikinatawa namin.
“Hayaan mo na ‘yan, Sandro. Bubuo na ‘yan ng pamilya,” Nakangising sabi ni Black.
Napailing nalang kami at pumunta sa pila namin para pumasok sa loob ng auditorium kung saan gaganapin an graduation namin. Magkahiwalay ang babae sa lalaki kaya wala akong maka-usap. Nasa unahan si Black dahil letter C ang kanyang apelyido habang ako naman ay letter M.
Hindi naman nagtagal ay magsimula na ang pagma-march namin papasok ng auditorium na ilang linggo rin naming prinactice.
Pagpasok ko ay nakita ko agad ang madaming upuan sa gitna kung saan uupo kaming mga ga-graduate, may stage sa gitna na may malaking tv at sa bandang likod ay nanduon ang mga upuan para sa mga magulang ng mga stuyante.
Sinubukan kong hanapin si Mommy at Daddy pero sa dami nila ay hindi ko sila nakita.
Hindi naman nagtagal ay umupo na kami sa mga upuan namin. Dalawang row ang na okupa namin at dahil sinusuwerte, magkaharap kami ni Black.
Dahil mababagot ako sa sobrang tagal ng speech ng ilang teacher ay pasimple kong sinipa ang upuan ni Black kaya agad siyang lumingon sa akin.
“What?” Mahinang tanong niya at bumaling ulit sa harap.
“Black, wala ba talagang balita kay Kiera?” Tanong ko at bahagya niyang pinilig ang ulo niya.
“Wala,” Tipid na sagot niya.
“Kahit mga magulang ninyo ay hindi alam kung kailan siya babalik?” Tanong ko at nagkibit balikat siya.
“Wala siyang sinasabi, eh” sabi niya at napanguso ako.
Hindi nalang ako umimik at nakinig sa nag-sasalita. Ilang oras ang tinagal ng graduation namin hanggang sa matapos ito. Lahat kami ay nakangiti habang palabas kami ng auditorium at agad kaming sinalubong ng mga magulang namin.
“Mom! Dad!” Nakangiting sabi ko at pinakita ang diploma ko.
Ngumiti sila at niyakap ako kaya niyakap ko rin sila pabalik.
“We're proud of you, anak” Nakangiting sabi ni Mom kaya napangiti ako.
“Thank you, Mom” sabi ko.
Hinalikan nila ako sa pisngi at ganoon din ang ginawa ko sa kanila bago bumaling sa mga kaibigan ko.
Tanging si Samuel lang ang may pamilya na dumalo dahil si Bernie ay hindi dumalo ang magulang habang si Black naman ay si Kuya Keith lang ang dumalo na mukhang seryosong-seryoso pa.
![](https://img.wattpad.com/cover/197068900-288-k812167.jpg)
BINABASA MO ANG
Black and Pastel | ✓
ActionThe Cuanco twins transferred in a school to get a new start. They were bullied because both of them have bizzare looks. They are both perculiar in their own ways. One who prefer all black as her overall style and one who's as colorful as a rainbow...