Chapter 40

18 3 0
                                    

Chapter 40

Again











Zhieras POV

Lahat kami ay tahimik habang nasa byahe. Hahatang gulat sila habang ako naman ay tahimik dahil pagod.

Kitang-kita ko pa ang takot sa mukha nila kanina nang makita nilang patayin ko ang limang iyon. Hindi ko rin naman gustong ipakita sa kanila ang ganoong eksena pero hindi titigil ang lima na iyon dahil hindi sila nadadala.

Si Aida ang nagda-drive ng van na ginamit ng lima na pinangkidnap kila Kiera, sa tabi niya ay si Tito Mike at sa likod ay kaming tatlo nila Samie at James ang nakaupo habang si Dr. Davy naman ay ginamot na ang sugat nila Catherin.

Alam kong sa ngayon ay alam na nila na nagpapanggap lang si Kiera pero wala sa kanila ang gustong umimik.

Malalim akong napabuntong hininga at napansin kong malapit ng magtakip silim. Pagod na pagod ang katawan ko. Dahil sa byahe at dahil sa nangyari kanina.

Naramdaman kong mahina na pinisil ni James ang bewang ko nang marinig ang buntong hininga ko. Nakasandal ako sa balikat niya at ang isang kamay ay nakapulupot sa bewang ko habang ang isa naman ay hawak ang kamay ko na nasa hita niya at pinaglalaruan ang daliri ko. Tatluhan ang upuan kaya pinaggigitnaan ako nila Samie na naka-headphone lang.

“Are you tired?” Bulong ni James at dinungaw pa ako dahilan para tumama ang tungki ng kanyang ilong sa aking ulo.

Bahagya akong tumango at napahikab pa na patunay na pagod na nga ako para sa araw na ito.

“It's been a long day,” sabi ko.

“You should rest,” sabi niya pero umiling ako.

“Malapit na tayo. Crystal Hotel lang naman ang tutuluyan nila,” sabi ko dahil alam kong malapit na kami.

“Hmm...” sabi niya at hinalikan ang noo ko kaya napapikit ako.

“Tama na ‘yan. Baka langgamin tayo sa loob ng van,” Mapanuyang sabi ni Aida at natawa sila Dr. Davy at Tito Mike.

“Humanap ka na rin ng love life mo para hindi ka naq ma-bitter,” sabi ko at ngumiwi siya.

“My love life is guns, Commander. Forever ko na iyon,” sabi niya.

“Huwag kang magbitiw ng salitang tapos. Malay mo? Si Jake lang pala ang soulmate mo,” sabi ko at natawa kami nang ngumiwi siya lalo.

“Gosh! Kilabutan ka nga, Commader! Alien ang isang iyon, eh!” Nakangiwing sabi niya.

“Bakit ayaw mo sa kanya, Ate? Guwapo naman si Kuya Jake, ah? ‘Di ba, Ate Raine?” Baling sa akin ni Samie at ngumisi ako.

“May itsura nga si Jake, Aida. Ayaw mo?” Tanong ko at narinig ko ang mahinang pagtikhim ni James pero hindi ko siya pinansin.

“No, Commander. I prefer guns more than boys,” sabi niya.

“Ganiyan din ako, Aida” Sabat ni Tito Mike.

“Dad?! Hindi mo na mahal si Mommy?” Nakangusong tanong ni Samie at natawa muli kami maliban kay James.

“Nuon iyon, Samie” sabi ni Tito Mike.

“Kapag iniwan mo si Mommy dahil sa guns ay hindi kita mapo-forgive,” Nakangusong sabi ni Samie.

Kahit pa lumipas ang isang taon at medyo mature na ang pag-iisip ni Samie at hindi niya pa rin maiwasan ang pagiging conyo na nagagawa niya minsan.

“I won't, Samie” Natatawang sabi ni Tito Mike.

“Nilalayo ninyo ang usapan. Aida. Boto ako kay Jake dahil bagay kayo sa isa't-isa,” sabi ni Dr. Davy mula sa likod.

Black and Pastel | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon