Chapter 28
Urge
Zhiera’s POV
“Don't lie down to my arm!” Inis na sabi ko kay James.
Kasalukuyang nasa isang kwarto kami sa loob ng ro-ro at ang nagpapatakbo ay walang iba kundi si Twain. Kakatapos lang gamutin ang mga sugat namin dahil kasama ni Twain si Dr. Davy dito sa ro-ro na kahapon pa nila inihanda at ako ang nag-utos.
Namamanhid ang dalawang braso ko dahil sa nilagay na anesthesia dahil sa pagkuha ng bala mula sa braso ko. Nasa gitna pa rin kami ng dagat at kasalukuyang pabalik na ng manila dahil malayo-layo rin kanina ang pinagkitaan namin ng Titan.
Magtatakipsilim na kaya nakaramdam na rin ako ng pagod at matapos kong gamutin ay dumiretso agad ako sa isang kama at balak sanang magpahinga pero nawala iyon nang pumasok sa loob ng kwarto ko si James at tumabi sa akin
Kanina pa rin kami tinatawagan nila Rica hindi ko muna pinasagot sa kanila dahil alam kong marami silang itatanong.
Tulog pa si Cally at paniguradong bukas pa ng gabi ang gising niya dahil malaki talaga ang dosage na binigay ko sa kaniya para hindi siya nataranta kapag nagising siya ngayon. Nasa isang kwarto siya para magpahinga at pinaayos ko na rin sa isang babaeng maid si Cally habang sila Twain, Aida at Dr. Davy naman ay hindi ko alam kung nasaan at wala akong pake.
I am glad that we got back the gem at them. Kahit na nakakuha kami ng sakit sa katawan ay masasabi kong worth it. Hindi pa ito ang naging pinakamahirap na mission ko at hindi naman mawawala sa trabaho namin ang pananakit ng katawan.
“Bakit ka nandito?” Tanong ko kay James habang nakapikit.
Gusto ko na talagang magpahinga pero nandito naman ang isang ito. Bakit hindi nalang siya sa madramang Cally na iyon tumabi? Tutal ahas din naman iyon at pwedeng-pwede silang maglingkisan duon.
'Tss...why do I sound like a jealous girlfriend?'
“Kanina ka pa galit sa akin, ah?” Puna niya at umismid ako para hindi aminin.
Hindi ko rin alam kung saan nagmumula ang galit ko sa kaniya. Basta mula pagkalabas naming apat sa warehouse ay galit na ako sa kaniya.
“Why would I be mad at you?” Sarkastikong tanong ko.
“Yeah? Why would you?” Balik na tanong niya.
“Tss. I am not mad,” Pagsisinungaling ko.
“Really? But why do I feel like you're mad?” Tanong ko at batid ko ay nakangisi na siya ngayon.
Nag-init ang ulo ko sa mga pinagsasabi niya kaya inis akong napamulat ng mata. Tumingin ako sa kaniya at nakita kong nakatukod ang isang kamay niya sa ulo habang nakatagilid sa akin at pinapanood ako.
I am actually not awkward with him in a closed space. Palagi naman niya ito ginagawa, eh. Invading my privacy.
“Letse! Edi galit na! Okay na?!” Talagang galit na sabi ko at natawa siya.
“See? You're mad,” Natatawang sabi niya.
“Because you are insisting that I am mad!” Pasigaw na sabi ko at nilagay naman niya ag hintuturo sa labi para sabihing huwag akong maingay.
“Maybe they're asleep" sabi niya at napa-irap ako bago muling pumikit.
“And I am supposed to be asleep right now too,” Sarkastikong sabi ko.
“Hmm? Then why you're not?” Tanong niya.
“Because an unidefined creature entered my room and fucking invading my privacy and my alone time,” Sarkastikong sabi ko at natawa muli siya.
BINABASA MO ANG
Black and Pastel | ✓
ActionThe Cuanco twins transferred in a school to get a new start. They were bullied because both of them have bizzare looks. They are both perculiar in their own ways. One who prefer all black as her overall style and one who's as colorful as a rainbow...