Chapter 3

29 1 0
                                    

Chapter 3

Dean’s Office








Black’s POV

“Magkano ang binigay sa ‘yo nila Mommy?” Tanong ni Kiera nang makarating kami sa bahay.

“2k kay Daddy, 1k kay Mommy, 2k kay Grandpa and 500 kay Kuya. Total of five thousand and five hundred,” Sagot ko at napasinghap siya.

“Madaya sila! 1k lang ang bigay sa akin nila Grandpa, eh! Tapos kay Kuya 250 lang!" Nakangusong reklamo niya.

“Because...I’m older than you,” Nakangising sabi ko at umismid siya.

“Yeah. Like five minutes,” Sarkastikong sabi niya at mas lalong lumaki ang ngisi ko.

“I’m still older,” Kibit balikat ko at umirap siya.

“Whatever,” Singhal niya.

“I’m going to sleep. Close all the doors and lights,” sabi ko at narinig ko siyang umangal.

Hindi ko siya pinansin at pumanik papunta sa kwarto ko. Nagpalit ako ng pangtulog at sumampa sa kama ko at agad na tumabi sa akin ang aso ko.

Saglit ko siyang nilaro bago ako nagpasyang matulog na. Kinabukasan ay nagising ako dahil sa malakas na boses ni Kiera mula sa paanan ko.

“Wake up! Sleepy head!” Rinig kong sigaw ng kapatid ko.

Napatakip ako sa tenga ko at narinig ko ang pagtahol ni Fluffy pero hindi pa rin tumigil si Kiera sa pag-ingay.

“Gising na! Male-late na tayo!” Sigaw niya.

Sa inis ko ay natadyakan ko siya dahilan para tumama siya sa pader. Rinig ko pa nga ang pagsalpok niya kaya’t paniguradong masakit iyon.

“Ugh! Ano ba?!” Galit na sigaw niya at umismid lang ako.

“You’re noisy and too annoying! Labas!” Sigaw ko din saka tinuro ang pintuan.

“Kailangan manadyak? Ang sakit kaya!” Angil niya.

“Get out,” Malamig na sabi ko at narinig ko siyang muling umismid.

“Tsk! Nasa labas na ‘yong sunog mong pancake!” Aniya at saka padabog na lumabas.

Napailing nalang ako napabuntong hininga. Tumayo na ako at saka nagtungo sa banyo para linisin ang sarili. Dahil gusto nga ni Granpa na sumunod kami sa dress code, isinuot ko ang black highwaist jeans, black over sized shirt at isang black ankle boots.

Inayos ko rin ang buhok ko at ang make-up ko bago kinuha ang bag ko at lumabas ng kwarto. Pagpasok ko sa kusina ay naabutan ko si Kiera na kumakain ng cereals niya at sa harap niya ay ang pancake ko.

“Libre mo ako ng lunch mamaya,” Agad na bungad niya sa akin na ikinataas ng kilay ko.

“You have money. Bakit ka nagpapalibre sa akin?” Malamig na tanong ko at umungot siya.

“There is a word called 'peace offerings' ,” sabi niya at umikot ang mata.

“At bakit naman ako magpe- 'peace offerings' sa ’yo?” Tanong ko at ginaya pa ang paraan ng pagsasalita niya.

“Because you kicked me!” Nakangusong sabi niya at umismid lang ako.

“Because you shouted at me,” sabi ko.

“That’s because you need to wake up!” Pagdadahilan pa niya.

“You can wake me up without shouting,” sabi ko at sumubo ng pancake.

Black and Pastel | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon