Chapter 17
Memories
Samuel’s POV
“You must be true to your words, Zhiera Raine”
Buong gabing binagabag ng mga salitang iyan sa utak ko. Hindi ako makatulog ng maayos dahil sa narinig kong pangalan
Maraming tanong sa aking utak. Sino si Zhiera Raine? Iisa lang ba si Zhiera Raine at Black? Iyon ba ang totoong pangalan niya? Bakit ako nababahala sa pangalan lamang? Anong meron sa pangalan na iyan?
Iyan ang mga tanong sa utak ko hanggang sa magising ako. Pati sa pag-ayos ko ng sarili ko ay iyon pa rin ang tanong sa utak ko. Masyado akong nababahala sa pangalan na iyon na hindi ko malaman kung may kinalaman ba sa akin.
Bumuntong hininga nalang ako at kinuha ang susi ng kotse ko at lumabas ng kwarto ko.
Bumaba ako at agad kong nakasalubong ang kasambahay namin na malapit kay Mommy. Si Thie. Sa tingin ko ay magka-edad-an lang kami pero mukhang hindi na siya nag-aaral dahil parati ko siyang nakikita dito sa bahay.
“G-Good morning, Sir Samuel” Nauutal na bati niya sa akin.
“Where’s Mom?” Malamig na tanong ko habang inaayos ang relo sa aking palapulsuhan.
“N-Nasa dining table na po,” sabi niya at nauutal pa.
Tumango lang ako at pumunta sa dining table at namataan ko nga duon sila Mommy at Samie na nakakabata kong kapatid habang wala naman si Daddy.
“Morning, Mom, Samie” Bati ko.
Hinalikan ko sa pisngi si Mommy habang hinalikan ko naman ang tuktok ng ulo ni Samie.
“Aalis ka na, Kuya? It’s so early pa kaya,” sabi ni Samie.
“I told you. May ginagawa pa kaming project,” sabi ko.
“Pero it’s Monday kaya!” Nakangusong sabi niya.
“I know. Didiretso na ako sa school pagkatapos namin,” sabi ko at bumaling kay Mommy
“Drive safetly, Samuel” Paalala niya sa akin.
“I will...but where’s Dad?” Tanong ko.
“Kakaalis niya lang din kanina. Business meeting,” sabi niya at tumango ako.
“I’ll see you later,” sabi ko.
“Mag-ingat ka,” sabi ni Mommy at tumango ako.
“I will”
Muli ko silang hinalikan sa ulo bago tumalikod. Pero hindi pa ako nakakalayo ay narinig kong nagsalita si Samie.
“Mommy, kailan ba mag-come back si Ate Raine? I’m so sick of Kuya’s girlfriends. And I think gusto ni Thie si Kuya,” sabi ni Samie at bahagyang kumunot ang noo ko.
‘Raine?’
“Shh! Your brother might hear you,” Saway ni Mommy.
Nang makalayo ako ay nagtago muna ako sa shelf pero masisiguro kong maririnig ko pa rin sila.
“Your Ate Raine might not come back anymore, Samie. It’s been two years,” sabi ni Mommy.
‘Sino itong Raine na ito at kilala si Mommy ngunit hindi ko kilala?’
“But she still mahal Kuya, right? She promised me that she’ll only mamahalin kuya till the end,” sabi ni Samie na mas lalong nagpakunot ng noo ko.
BINABASA MO ANG
Black and Pastel | ✓
БоевикThe Cuanco twins transferred in a school to get a new start. They were bullied because both of them have bizzare looks. They are both perculiar in their own ways. One who prefer all black as her overall style and one who's as colorful as a rainbow...