Chapter 19
Past
Zhiera’s POV
Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa sariling repleksyon mula sa salamin. Kakatapos ko lang mag-ayos ng sarili ko at naglagay ulit ako ng make-up. Hindi ko maiwasang maalala ang nangyari kanina.
Hindi ko inaasahan na mapapaaga ang pagbalik ng mga ala-ala niya. Alam kong may hinuha na siya bago pa man ito nangyari pero pilit kong kinukumbinsing matagal bago bumalik ang mga iyon.
I’m not gonna lie, there’s still a part of me that was happy when I realized that he remember everything now.
Of course, sinong isang tao na makakamove on ng ilang araw lang? Lalo na’t dala-dala ko ito nuong mga nagdaang dalawang taon.
Pero tinanggap ko na. Na hindi talaga kami para sa isa’t-isa. Na masaya na siya. Na okay lang ang lahat kahit hindi niya ako naalala.
I was almost there, I can almost forget him but this happened. Iyong katiting na tsansang makamove-on ako ay parang umatras at bumalik sa kalahati.
Bahagya akong napaiktad nang makarinig ng katok mula sa labas ng banyo ko.
“Black! May plano ka pa bang lumabas? Gagawa pa tayo ng project!” Sarkastikong sabi ni Kiera.
Napabuntong hininga ako. Isa pa ito. Hindi ako tanga para hindi mapuna na nagugustuhan na niya si Samuel. Pero mukhang hindi niya pa iyon napapagtanto kaya ganya pa rin siya kumilos.
“Lalabas na,” sabi ko at tinago ang mga gamit ko sa maliit na bag.
Nang matapos ay agad akong lumabas at bumungad sa akin ang matalim na tingin ni Kiera. I know she’s mad and curious about what happened last night.
Hindi ako naka-uwi dahil sa importanteng bagay na inasikaso ko. Hindi ko naman kasi inaasahan na hindi ako makaka-uwi kaya ngayon ay bumungad sa akin ang galit na Kiera.
“Tara na,” sabi ko at lalabas na sana ng kwarto ko pero bigla niya akong hinawakan sa braso.
“Bakit?” Tanong ko.
“Where did you really go last night? Bakit hindi ka umuwi?” Nanlilisik ang mga matang tanong niya.
Napabuntong hininga ako at kalmadong inalis ang kamay niya sa braso ko.
“I was out with a friend. I told you. Hindi niya ako pinauwi at hindi na rin ako nakapag-text sa ‘yo dahil kinumpiska niya ang cellphone ko,” Paliwanag ko.
Of course that was a lie. Hindi pa ako handang sabihin sa kanya ang totoo kong dahilan dahil mapapahamak siya.
“Friend? As far as I know, you don’t have any friends except Catherin and the others,” Nanlilisik pa rin na mata na tanong niya.
“I have one. Hindi ko lang sinasabi sa ‘yo dahil hindi mo naman siya makikita masyado. Palagi siyang wala ng Pilipinas,” sabi ko.
“Who is you friend, then?” Nanghahamon na tanong niya at humalukipkip.
“Ehoimreh and...Alex,” gusto kong ngumiwi nang sabihin ang pangalan ng handmaiden ni Ehoimreh.
Hindi talaga kami magkasundo kaya hindi ko siya maitatawag na kaibigan ko. Palaging mainit ang ulo sa akin ng isang iyon sa hindi ko malamang dahilan.
“Ehoimreh? Sounds fake,” Sarkastikong sabi niya.
“Oh, yeah? Why don’t you try searching her name on google?” Sarkastiko ring tanong ko.
BINABASA MO ANG
Black and Pastel | ✓
ActionThe Cuanco twins transferred in a school to get a new start. They were bullied because both of them have bizzare looks. They are both perculiar in their own ways. One who prefer all black as her overall style and one who's as colorful as a rainbow...