Chapter 33
Punishment
Kiera’s POV
“No, I'm not! What makes you think that way?” Kunot noong tanong niya pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi siya makatingin sa mata ko.
“If you say so...okay!” sabi ko at tinignan ang pagkain ko.
Ngunit agad akong nawalan ng gana nang makita iyon.
“Nawalan na ako ng gana at hindi ako papasok,” sabi ko at tumayo.
Hindi ko sila kayang harapin. Hindi ko kayang harapin silang lahat at lalo na si Samuel.
“Kiera!” Rinig ko pang tawag niya pero hindi ko siya pinansin.
Patuloy akong naglakad papanik ng kwarto ko at pumasok duon. Humiga ako sa kama ko at inantay ang pag-alis niya ng bahay.
Nakatulala lang ako sa kisame at pakiramdam ko ay wala na akong ganang gumalaw. Ilang oras pa akong nanatili sa kwarto ko hanggang sa alam kong naka-alis na si Black ng bahay.
Lumabas ako ng kwarto ko at tama nga ako dahil tahimik na ang bahay. Pero natigilan ako nang may makitang sticky note na naka lagay sa pintuan ng kwarto ko.
Napabuntong hininga ako at kinuha iyon saka binasa.
Kiera,
Don't leave the house and rest. Nagluto ako ng tanghalian mo para mamaya at initin mo nalang kapag kakain ka na. Drink a pain reliever and treat your wounds too. Don't let it infect your wounds.
-Zhiera
Nilukot ko ang sticky note at tinapon sa labas ng bahay bago bumaba at pumunta sa living room. Umupo ako sa sofa at binuksan ang tv para pampalipas ng oras. Mabilis na tumakbo ang oras kapag wala sa sarali mo at hindi ko na namalayan na hapon na pala.
Tumayo ako para kumuha ng makakain dahil walang laman ang tiyan ko buong maghapon pero biglang bumukas ang pintuan ng bahay.
Hindi ko na sana iyon papansinin dahil akala ko ay si Black iyon pero nagulat ako nang makita sila Mommy, Daddy at Kuya ang dumating.
“M-Mom, Dad, Kuya...”what are you all doing here?" Kunot noong tanong ko.
Matagal akong tinignan nila Mommy at Daddy bago bumuntong hininga at nagpatuloy sa sofa.
“Mamaya na tayo mag-usap. Hintayin natin ang ate mo,” sabi ni Daddy.
“O-Okay?” Patanong na sagot ko.
Bumuntong hininga ako dahil halatang seryoso sila at malalim ang iniisip.
“I'll get some foods,” Paalam ko.
“'Wag na. Kumain na kami,” sabi ni Kuya.
“Not for you. For me,” sabi ko at tumawa siya.
Umirap ako bago nagtungo sa kusina. Nakita ko ang pagkain na tinutukoy ni Black kanina pero ayaw kong galawin iyon. Kaya kumuha ako ng tasty bread at nilagyan iyon ng peanut butter. Naglagay ako ng tatlo bago dinala iyon at bumalik sa sofa.
Tumabi ako kay Muya at tahimik na kumain. Kung kanina ay okay lang sa akin na tahimik, ngayon ay nakakabingi ang katahimikan ng buong bahay.
Hindi naman nagtagal ay narinig ko na an pagdating ni Black at nang makapasok siya, tulad ko ay nagulat din si Black nang makita ang pamilya namin dito at seryoso pa.

BINABASA MO ANG
Black and Pastel | ✓
ActionThe Cuanco twins transferred in a school to get a new start. They were bullied because both of them have bizzare looks. They are both perculiar in their own ways. One who prefer all black as her overall style and one who's as colorful as a rainbow...