Chapter 11
Bestfriend
Black’s POV
Mabilis kong pinaharurot ang kotse ko papunta sa bahay ng kaibigan ko. Ang tunog lang ng kotse ko ang bumasag sa katahimikan ng buong village pero wala akong pake.
Hindi ako makakalma hangga’t hindi ako nakakakuha ng distraction. Hindi naman nagtagal ay nakarating na ako sa mala-mansyon na bahay nila.
Dahil hindi niya ugaling mag-lock ng pintuan, madali na akong nakapasok sa loob at bumungad sa akin ang engrande nilang bahay.
Pagpasok mo ay bubungad sa ‘yo ang isang malawak na espasyo at may chandelier sa taas. Sa kanan ay nanduon ang hagdanan nila papanik sa mga kwarto nila at may maliit na set ng sofa para sa tanggapan nila.
Sa kaliwa ay nanduon ang engrande nilang living room at ang malaki nilang tv. Sa bandang dulo naman sa kanan ay nanduon ang kanilang kusina at ang dining table habang sa kabilang dulo ay nanduon ang daan papuntang basement.
Nakamulsa akong naglakad papunta sa basement at nang makababa ako ay bumungad sa akin ang metal door nila pero salamin ang dingding kaya’t kitang-kita ko sila sa loob pero makapal naman ang salamin na iyon.
Their basement is just actually a training room for the three of us. Dito kami nagdu-duwelo at dito din sila nag-eerhisyo.
Kompleto ang kagamitan nila dito, magmula sa gym appliances hanggang sa mga baril at mga iba pang pamatay na armas.Ngumisi ako nang makita ang dummy na pinagtra-training-an ngayon. Not bad.
Nilagay ko ang hinlalaki ko sa finger scanner at agad iyong bumukas kaya nakapamulsa akong naglakad.
“Nasaan na ba si Zhiera? Gusto ko nang makipaglaban ng pisikal,” Rinig kong sabi niya.
Napangisi ako dahil mukhang pati siya ay hanap ang duwelo. Mas maganda ito dahil mas gaganahan ako at mailalabas ko ang lahat ng frustrations ko.
Pati na rin ang stress at ang lahat ng bumabagabag sa akin. Kailangan ko ng katapat at malagpawisan ng husto para kumalma ako.
Napatingin sa akin si Alex na siyang personal handmaiden slash bestfriend niya rin at agad siyang umismid sa akin.
Nakangisi ko siyang inirapan bago tumingin kay Ehoimreh na mukhang hindi pa napapansin ang pagdating ko.
Ehoimreh Jen Krieger, a princess of her country slash an agent and she’s also blind. Siya ang babaeng nakausap ko nuon sa parke at hindi ko rin inaasahan na makikita ko ulit siya.
She’s a good friend that’s why I keep her and that’s why I am always trying not to kill her annoying handmaiden.
“Speaking of the devil,” Rinig kong mahinang sabi ni Alex.
Hinubad ko ang jacket ko at nilapag iyon sa sofa nila dito at narinig namin ang pagsarado ng metal na pintuan.
Agad akong lumapit sa kanila habang nakapamulsa at nakita ko ang pag-irap sa akin ni Alex na hindi ko pinansin.
Palagi naman kaming ganiyan, puro bangayan. Kung hindi niya lang sana sinimulan ay hindi ko siya papatulan.
“Oh? Saan ka galing?” Tanong niya nang makalapit ako.
“School stuff! Argh! Nakakainis! Sa bahay pa talaga ang pinili!” Inis na sabi ko.
“Bakit?” Tanong ni Ehoimreh.“Gagawa daw ng short movie,” sabi ko at nakita kong ngumisi si Alex.
“Awtsuy! Haha! Aacting si Zhiera!” Natatawang tukso ni Alex.
Napa-irap ako saka sarkastiko siyang tinignan.
BINABASA MO ANG
Black and Pastel | ✓
AçãoThe Cuanco twins transferred in a school to get a new start. They were bullied because both of them have bizzare looks. They are both perculiar in their own ways. One who prefer all black as her overall style and one who's as colorful as a rainbow...