Chapter 18

12 2 0
                                    

Chapter 18

Liar









Samuels POV

Walang tigil sa pagpatak ang luha ko at nararamdaman kong naninikip ang dibdib ko. Hindi ako makapaniwala. Hindi ako makapaniwala na ang ilang araw kong hinahanap na sagot ay nakakasama ko rin araw-araw.

Why? Why didn’t she tell me?

Mabilis kong pinunasan ang luha ko nang makarinig ako ng yabag mula sa labas. Kinalma ko ang sarili ko at isa-isang pinulot ang mga nahulog galing sa box.

“Don’t fucking annoy me today, Kiera! I’m fucking tired!” Rinig kong galit na sigaw Zhiera mula sa labas.

Simula ngayon ay hindi ko na siya tatawagin sa peke niyang pangalan dahil hindi naman niya iyon pangalan.

Saktong pagtayo ko ay ang pagbukas ng pintuan niya. Natigilan ang yabag niya kaya malamang ay nakita na niya ako.
Malamig kong sinalubong ang tingin niya at kamangha-manghang wala siyang suot na make-up ngayon.

Hindi rin siya nakapig-tail dahil naka-pony tail ang buhok niya at ngayon ko sasabihin na walang masyadong nagbago sa kanyang mukha. Kung mayroon man ay siguro ay dahil iyon sa kaniyang pag-mature

Kaya pala hindi ko siya namukhaan nung una dahil sa make-up na suot niya at ayos niya pero ngayon walang kahit anong nakalagay sa mukha niya ay kitang-kita ko ng maayos ang kanyang mukha.

Nanlalaki ang kaniyang mga mata habang bahagyang nakaawang ang labi. Hindi niya inaasahan na makita ako dito. Of course who wouldn’t? I invade their privacy.

“Black—” Nawala ang tinig ni Kiera mula sa labas ng isarado ni Zhiera ang pintuan at pumasok sa loob.

“Why are you here? This is my room,” Kunot noong sabi niya.

“Obviously,” Malamig na sabi ko at umismid bago binalik ang box na hawak ko sa dati nitong lagyanan.

“Get out,” Utos niya at napangisi ako.

Pagak akong natawa bago muling sinalubong ang kanyang mga mata.

Talaga bang patuloy pa siyang magpapangap? Nandito na sa kwarto niya ang pruweba.

“Get the hell out of my room, Samuel” Malamig na sabi niya.

Kung noon ay masisindak pa ako sa tono niyang iyan pero ngayon ay gusto kong tawanan siya.

Ang laki ng pinagbago. Dalawang taon lang iyon. Napakalaki ng pinagbago.

“What if I wont?” Nanunuyang tanong ko.

“This is my house and you are specifically, standing inside my room, Samuel. My words are the law here. So, Get. Out!” Seryosong utos niya pero umismid ako.

I wonder how can she do that? Pretending like nothing had happen in the past?

“Zhiera Raine Cuanco,” Sambit ko sa pangalan niya pero sapat na para muli siyang matigilan.

Nakita ko ang panginginig ng labi niya kaya napangisi ako lalo. I bet she now knew that I remembered fucking everything.

“Or like what the rest know you as Black. A mysterious and weird woman,” sabi ko habang nakangisi.

Pero mabilis na napawi ang ngising iyon nang lumapit ako sa kaniya. Kaonting hakbang nalang ang pagitan namin sa isa't-isa.

“Paano mo nagawang harapin ako kung gayong alam mo naman pala ang lahat?” Madiin na sabi ko habang hinuhuli ang paningin niya.

Black and Pastel | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon