Chapter 34
Time's Up
Zhiera’s POV
Nang makarating ako sa fifth floor ay mukhang nagulat sila nang makita ako dito. Madalas ay alas-dose ako bumibisita sa headquarters pero ngayon lang naiba.
“Oh? Commander, akala namin hindi ka bibisita?” Tanong ni Cortez.
Tanging si Cortez, Jake at Twain lang ang tao sa taas kaya hindi ko maiwasang hanapin ang iba. Sa ganitong oras ay kumpleto pa dapat sila.
“Nasaan ang iba?" Tanong ko.
“Umuwi na sila Fel, Dr. Eldon at Ash kaninang alas-dose dahil may-aasikasuhin daw sila,” sabi ni Jake.
“Nasaan si Cai?” Tanong ko.
“Nasa opisina niya, Commander. Hindi pa lumalabas magmula nung dumating siya,” sabi ni Cortez.
“Sige...balik na kayo sa trabaho ninyo”
Hindi ko na sila hinayaang makapagsalita at bumalik sa elevator. Sa fourth floor ang opisina ni James kasama ng kay Dr. Eldon at Aida. Habang sa third floor naman sila Rica at Cortez at sa first floor ay sila Jake at Twain habang ako naman ay mag-isa sa fifth floor.
Limang palapag lang ang headquarters namin at ang pang-anim ay ang lapagan na ng helipad na napapalibutan ng man made na dahon dahil nga malaking puno ang headquarters namin.
Nang makarating ako sa fourth floor ag agad akong nagtungo sa opisina ni James. Hindi na ako nag-abala pang kumatok at pumasok na sa loob.
Napaiktad naman siya at gulat na tumingin sa akin pero agad ding nanlamig ang ekspresyon. Napangisi ako bago tuluyang pumasok sa loob at sinarado ang pintuan.
“What are you doing here?” Malamig na tanong niya pero hindi sapat iyon para matinag ako.
“Why? Am I not allowed inside your office? While you are so welcome in my office? Kahit nga hindi ka magpaalam ay nakakapasok ka,” Sarkastikong tugon ko at lumapit sa lamesa niya.
Huminto lang ako nang nasa harap ma niya ako at humalukipkip habang nakatingin sa kaniya. Nakita ko pa ang pagpasada ng paningin niya sa suot ko at umigtig ang panga na mas lalong ikinalawak ng ngisi ko.
'Damn! He's angry and why am I liking it?'
“Gabi na, Zhiera” Seryosong sabi niya.
“Umaga na po, Mr. Havoc” Sarkastikong sabi ko.
Tama naman ako dahil ala-una na ng madaling araw.
“Why are you still here?” Tanong niya.
“Visiting you,” sabi ko at nakita ko siyang natigilan kaya ngumisi ako bago umupo sa upuan na nasa harap ng lamesa niya.
“Iniiwasan mo ako sa school at hindi mo sinasagot ang tawag ko. Kaya ako na mismo ang lumapit sa ‘yo,” sabi ko at nagpandekwatro.
“Go home. Your boyfriend Samuel must be jealous right now. And why are you going out only wearing those things?” Tanong niya at sinamaan ng tingin ang shorts ko.
“It is clothes, James and not only a thing ,” Natatawang sabi ko.
“That is not a clothes for me,” Matabang na sabi niya at umismid.
'Damn! I should've been hurrying things because I have limited time but I am enjoying this'
“Seriously. What do you want?” Tanong niya.
BINABASA MO ANG
Black and Pastel | ✓
ActionThe Cuanco twins transferred in a school to get a new start. They were bullied because both of them have bizzare looks. They are both perculiar in their own ways. One who prefer all black as her overall style and one who's as colorful as a rainbow...