Chapter 12
James
Kiera’s POV
Ayaw ni Black na may makikinig sa pinag-uusapan nila kapag may tumawag sa kaniya kaya lang hindi namin maiwasang hindi makinig dahil malapit lang siya sa amin.
“Whatever...just get your ass in here!” Sigaw pa ni Black at pinatay na niya ang tawag.
“Patay...mainit ang ulo,” Nakangiwing sabi ni Catherin at napabuntong hininga ako.
Sanay ako sa init ng ulo ni Black pero mukhang mararanasan nila kung paano kumilos si Black kapag mainit ang ulo.
“Kumain nalang tayo,” sabi ko.
Nagpatuloy kaming kumain at nang matapos ay nagprisintang maghugas ng plato si Bernie.
“Ayan! Tumulong ka! Hindi ‘yong makapal ang mukha mo!” Asar pa ni Catherin kay Bernie na umismid lang.
“Ako nalang. Iiwan mo nalang diyan,” sabi ko.
“Hindi na...natatakot ako at baka mabugahan ako ng apoy ni Black. Mainit ang ulo,” sabi niya at ngumiwi kaya natawa ako.
“Bahala ka,” Kibit balikat ko.
“Huwag kang magbasag ng gamit nila at baka talagang mabugahan ka niya ng apoy,” Pananakot pa ni Sandro kay Bernie na umismid lang.
Napailing ako at lumapit kay Black at sumunod naman ang tatlo sa akin.
“Tapos ka na?” Tanong ko sa kaniya.
Hindi pa nga ako nakakalapit ng tuluyan ay umangil na ang aso sa akin kaya napairap ako.
“Hmm...pakikuha,” sabi niya.
Lumapit pa ako lalo pero mas lalong umangil ang maattitude na aso at kinahulan pa ako.
“Teka lang, ah? Kukuhain ko ang pinagkainan ng mommy mo!” Inis na sabi ko at umambang lalapit ulit pero mas lalo ako nitong inangilan. “Letse! Sige! Ikaw maglagay ng pinagkainan niya at hugasan mo na rin!”
Mukha namang naintindihan iyon ng aso dahil tumigil siya sa pag-angil at sumiksik sa braso ni Black.
Kinuha ko ang pinagkainan ni Black at inambahan ang aso kaya muli itong umangil.
“Kiera,” Mababa ang boses ni Black dahil may sakit pero nakakatakot pa rin ang pabanta niya.
Ngumuso lang ako at bumalik sa kusina para ibigay ang plato kay Bernie.
“Pakisabay,” sabi ko at tumango lang si Bernie.
“Hala?! Anong nangyari sa ‘yo?!” Rinig kong gulat na tanong ni Catherin kay Black.
Mukhang nakita na nila ang kalagayan ni Black ngayon.
Muli akong bumalik sa kanila at pumuwesto sa likod ng inuupuan ni Black. Nag-alala sila Catherin at Sandro habang wala namang emosyon na ipinapakita si Samuel.
Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o hindi dahil sa ekspresyon na iyon.
I’ve realized, I’ve been kinda selfish these past few days when it involve Samuel. And I don’t know why am I feeling this way!
“You look awful,” sabi ni Sandro.
“I know," Mahinang sabi ni Black.
“Anong nangyari sa ‘yo?” Nag-aalalang tanong ni Catherin.
“Napagod ng husto kahapon. Nalaglag pa sa hagdan kaya nakakuha siya ng mga pasa at sugat,” sabi ko at halos sabay na ngumiwi sila Sandro at Catherin.
![](https://img.wattpad.com/cover/197068900-288-k812167.jpg)
BINABASA MO ANG
Black and Pastel | ✓
AksiThe Cuanco twins transferred in a school to get a new start. They were bullied because both of them have bizzare looks. They are both perculiar in their own ways. One who prefer all black as her overall style and one who's as colorful as a rainbow...