Chapter 6

21 2 0
                                    

Chapter 6

Visit










Kiera’s POV

Mabuti nga at hindi nila ako ginulo ngayong araw na ito, eh.

“Hindi mo ba sinasabi kay Black?” Tanong ni Bernie kaya bahagya akong natawa.

“Kung sinabi ko iyon sa kanya ay baka magulat ka nalang kapag nakita mo siya dito habang naka hospital gown pa para lang bugbugin ang dalawang iyon,” Natatawang sabi ko at bahagya silang ngumiwi.

“May sakit na nga siya, kaya pang mangbugbog?” Tanong ni Catherin at tumango ako.

Sumubo muna ako ng carbonara nilunok iyon bago ako muling magsalita.

“Hindi niyo pa masyadong kilala si Black. Mas malakas, masungit, magalitin, at lahat ng ginagawa niya ay magiging mas kapag may sakit siya. Kaya hindi magandang galitin iyon ngayon,” Paliwanag ko.

Natawa pa ako nang maalala ko na kamuntikan na niyang balian ng buto si Kuya Keith nang minsan na siyang asarin nito nang may sakit siya.

Dahil daw sa simpleng ambon lang ay nagkasakit na siya at panay pa ang sundot nito sa tagiliran ni Black kaya halos baliin na niya ang buto nito kung hindi ko lang naabutan.

“Ay? Edi mas magiging isnabera siya?” Tanong ni Bernie at natawa ako bago tumango ako.

“Oo...sa inyo pero sa pamilya niya at slight lang,” sabi ko.

“Taray naman ni Ate!” sabi ni Bernie sa muling matinis niyang boses.

Natawa kami at nagsimulang kumain. Pero hindi pa man kami nakakarami ng subo ay muling nagsalita si Kiera.

“Kiera, try mo kayang mag-simpleng ayos lang? Maganda ka naman, eh” Biglang sabi ni Catherin

“Ayoko,” sabi ko.

“Bakit?” Kunot noong tanong niya

“Kung ano ang sabi ni kambal...gagawin ni isang kambal,” sabi ko.

“Kambal kayo?!” Sabay na naman at napalakas na sabi nila kaya muling napatingin ang iba sa amin.

Hindi ba nila alam?

“Oo...shh!” Pananaway ko habang kunot noong pinagmasdan ang mga estudyanteng nakatingin sa amin. “Hindi ba halata?”

“Hindi, teh! Hinding-hindi!” sabi ni Bernie na may kasama pang pag-iling ng ulo.

“Magkaibang-magkaiba kasi kayo mag-ayos,” sabi ni Catherin.

“Nakasanayan na kasi namin at parang weird na kapag hindi kami ganito mag-ayos,” sabi ko.

“Since when?” Tanong ni Bernie.

“Uh....two years from now?” Patanong na sagot ko dahil hindi ko rin sigurado.

Ngayon ko lang napagtanto na matagal-tagal na rin pala simula nang mag-aya si Black na gasing ganito ang ayos namin.

She wants a badass gothic apperance while I don’t. Kaya medyo lively ang ginawa kong style para sa akin.

“Matagal na rin pala,” sabi ni Catherin at tumango ako bago uminom ng juice ko.

“By the way, may napansin kasi akong parang peklat sa may braso ni Black? Saan niya nakuha iyon?” Tanong ni Bernie na bahagyang ikinagulat ko.

Hindi ko alam kung ano ang buong storya pero nagkwento naman siya sa akin ng kaonti. Hindi ko rin naman alam na ganoon kataas ang kaniyang mata para makita ang peklat ni Black. Though, she didn’t intend to hide it.

Black and Pastel | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon