Chapter 21
Canddeloff
Zhiera’s POV
Kinabukasan ay maaga akong nagising kaysa sa inaashan. Mukhang nasanay ako sa pag-gising ng maaga dahil sa dalawang araw naming paggawa ng project sa bahay.
Dahil maaga pa naman at para hindi masayang ang oras ay napagpasyahan kong mag-jogging nalang muna.
Mabilis akong nag-ayos ng sarili at sinuot ko ang aking sport bra, jogging pants at ang rubber shoes ko na puro itim. Tinirintas ko din ng dalawa ang aking buhok para hindi sagabal sa pagtakbo mamaya at kinuha ang headphone ko bago lumabas ng bahay.
Hindi na ako naglagay ng make-up ko dahil paniguradong wala namang makakakilala sa akin dito at mabubura lang iyon dahil sa pawis.
Naabutan ko si Kiera na nagdidilig ng halaman habang naka-pajama pa at agad naman siyang lumapit sa akin nang mapansin ako.
“Saan ka?” Tanong niya.
“Mag-jo-jogging lang saglit,” sabi ko habang inaayos ang headphone ko.
“Sige,” sabi niya.
Simpleng tumango lang ako sinuot ang headphone ko at nagsimulang tumakbo palayo ng bahay. Siguro nakaka-isang oras palang ako sa pagtakbo nang magulat ako dahil may biglang tumahol na aso sa akin.
Huminto ako at napalingon sa lupa at nanlaki ang mata ko nang makilala ko ito. Nakaupo ito sa harap ko habang nakatingala sa akin at nakangiti habang pinapagaspas ang buntot sa akin.
‘Mukhang kilala pa ako nito, ah?’
“Shoo!” Mahinang taboy ko sa kaniya pero hindi niya ako sinunod.
“Arf! Arf!” Tahol nito at patuloy sa pagwagayway ng buntot niya.
Nagulat pa ako nang tumayo siya at lumapit sa akin para lang kumiskis ito sa paa ko.
“Sandy! Where are you?! Sandy!” Rinig kong tawag ng isang hindi pamilyar na tinig sa pangalan ng aso.
Hindi naman nagtagal ay nakita ko ang isang babae na may hawak ng leash ng aso at palinga-linga hanggang sa mapabaling sa akin. Nanlaki ang mata ng babae at dali-daling kinuha ang aso na ayaw umalis sa paa ko at kinagat pa ang jogging pants ko.
“Pasensya na ka na, Miss. Nakakawala kasi siya sa tali niya,” Paghingi ng paumanhin ng babae na nakatingala sa akin at patuloy sa pag-alis ng aso nakakapit sa jogging pants ko.
Napabuntong hininga ako at lumuhod saka kinuha ang aso na agad namang sumama sa akin ng walang pag-aalinlangan saka tumayo.
“Mukhang ayaw niyang sumama sa ‘yo. Sasama nalang ako sa ‘yo pa-uwi sa inyo,” Malamig na sabi ko.
Mukhang nagulat siya nang makitang tumahimik ang aso sa bisig ko at tumayo na rin.
“Sorry talaga. Dito po ang daan,” sabi niya at nagsimula na kaming maglakad.
“Anong pangalan mo?” Tanong ko.
“Thie po. Napag-utusan lang po kasi akong ipasyal si Sandy. Baguhan lang po akong kasambahay,” sabi niya at tumango ako.
“Pagmamay-ari ito ng mga Canddeloff, hindi ba?” Paniniguro kong tanong ko at nanlaki ang mga mata niya.
“Opo! Ay naku! Hindi po friendly si Sandy sa iba! Ang amo niya lang po at ang pamilya nito ang pinakikisamahan! Nagtataka nga po ako dahil hindi ka niya inangilan,” Kuwento nito at kamuntikan na akong umismid.
BINABASA MO ANG
Black and Pastel | ✓
ActionThe Cuanco twins transferred in a school to get a new start. They were bullied because both of them have bizzare looks. They are both perculiar in their own ways. One who prefer all black as her overall style and one who's as colorful as a rainbow...