Chapter 22

15 3 0
                                    

Chapter 22

Agruement









Kiera’s POV

Bakit parang andaming tinatago sa akin ng kapatid ko?

First of all, bakit kilala sya ng family ni Samuel? Bakit din naging close itong dalawang ito? Hindi naman pala salita si Black nuon, ah? At bakit close na close sila nung bunsong kapatid ni Samuel?!

Nasa kotse ako ngayon ni Black at si Samuel ang nagda-drive. Pinapunta kasi si Black sa sasakyan ng family ni Samuel at ang kotse ni Samuel ay gamit nila Catherin kasi nag-commute daw sila kanina.

Kahit na naghuhurumentado ang puso ko ay nanatili akong kalmado para isipin ang mga sagot sa tanong ko.

“Sabihin mo nga!” Sambit ko nang hindi ko na napigilan.

Parang sasabog ang isip ko kapag hindi ko ito sinabi.

“H-Huh?” Gulat na tanong ng katabi ko.

“Kilala mo na ba dati ang kapatid ko?!” Mataray na tanong ko at bahagya siyang natawa.

“Oo. Actually nagkita na nga tayo nuon, eh. Hindi mo lang yata matandaan,” sabi niya kaya kumunot ang noo ko.

Pilit kong inalala ang nakaraan pero wala akong maalala na nakita ko na ang mukha ni Samuel nuon. Kaya niya ba ako tinanong nung nakaraan? Kasi pamilyar ako sa kaniya? Pero...

Kung kilala niya kami edi....bakit niya kami hinayaan mabully?!

“Eh, bakit mo kami hinayaan mabully ng ambisosya mong nobya?!” Usal ko.

“Correction, ex" sabi pa niya.

Nagulat ako duon. Hindi ko alam na wala na pala nila ni Shane at mukhang hindi pa iyon kalat sa buong school dahil wala akong narinig na issue tungkol sa kanila kanina.

“Ay, ewan! Bakit nga?” Tanong ko.

“Mahabang kwento...baka hindi pa rin ako tapos magkwento sayo hanggang mag-ala singko ng umaga,” sabi niya at tumawa pa.

Suminghap ako para pakalmahin ang puso ko at tumahimik nalang. Huminto na ang kotse nang makarting kami kaya lumabas na kami.

Malapit lang pala ang bahay nila sa bahay namin dahil nadaanan namin ito.

“Sa kaniya ka nalang magpakuwento,” sabi pa ni Samuel namg makatabi siya sa akin.

“Hindi naman ‘yan pala-kwento,” Nakasimangot na sabi ko habang pinapanood hatakin ng kapatid ni Samuel si Black

Natawa si Samuel sa akin. Nakita niya sigurong nakasimangot ako kila Black at sa kapatid niya.

“Hayaan mo na sila...matagal na kasi silang hindi nagkita. Pasok na tayo,” sabi niya.

Hindi nalang ako kumibo at sumunod sa kanya at pati ang mga kaibigan namin. Nagulat pa ako dahil sa pagpasok na pagpasok ko ay naka-aircon sila ang buong bahay nila

“Malamig ba?” Nagulat ako nang magsalita si Samuel sa likod ko na isinara ang pintuan dahil ako ang huling pumasok.

Bigla namang tumaas ang bahalibo ko at bumilis ang tibok ng puso ko.

“A-Ah, oo...uhm...Nasaan na ba si Black?” Nauutal na tanong ko.

“Baka nasa sala. Feel at home,” sabi niya.

Nauna na siyang maglakad sa akin. Pinanood kong makalayo ang bulto niya sa akin bago ko lang pinakawalan ang hiningang pinipigilan ko kanina pa. Mahina kong pinukpok ang ulo ko at marahas na ipinilig.

Black and Pastel | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon