Chapter 24
Short Movie
Kiera’s POV
“Kiera! Kiera! Kiera!” Napalingon ako sa likod ko nang marinig ang sunod-sunod na pagtawag sa akin ni Bernie.
Sandali akong huminto pero malapit na ako sa classroom at inantay silang dalawa ni Catherin.
Hinihingal sila ng makalapit sa akin at mukhang hindi mapakali.
“N-Natapos mo na ba iyong short movie natin?” Nagpapanic at nauutal na tanong ni Bernie.
“Yeah...bakit?” Kunot noong tanong ko.
Iyon lang ang pinagkaabalahan ko tuwing wala akong ginagawa sa bahay.
“Narinig kasi namin kanina na ngayon daw ang pasahan,” sabi ni Catherin.
“Oo nga...friday na ngayon,” Natatawang sabi ko.
Ilang araw na ang lumipas pero wala pa rin kaming maayos na pag-uusap ni Black. Last na iyong nung nasa bahay kami at hindi na nasundan pa.
Hindi na rin siya pumapasok sa school at kapag naabutan ko siya sa bahay twing umaga ay paalis ma siya at hindi ko naman siya naabutan sa gabi.
Hindi ko alam kung saan siya pumupunta dahil hindi rin naman niya kami tinetext ni Kuya at nag-aalala na ako. Minabuti muna naming huwag sabihin kila Mommy dahil alam kong hindi rin naman magtatagal iyon.
“Ay, oo nga pala. Sinabi na iyon,” Natatawang sabi ni Bernie nang mapagtantong biyernes ngayon.
Sabay-sabay kaming naglakad papasok sa loob ng classroom at muli kong namataan ang bakanteng upuan ni Black.
Parati siya hinahanap ng mga kaibigan ko sa akin pero wala rin naman akong maisagot sa kanila kaya nagkikibit balikat nalang ako.
“Bakit absent ulit si Black?” Tanong ni Sandro nang maka-upo ako.
Nabaling lahat sa akin ang atensyon at nag-aantay ng isasagot ko. Alam kong lahat sila ay nagtataka pa rin kung bakit siya palaging nakaliban sa klase.
“Magka-away pa rin ba kayo?” Tanong ni Catherin sa akin at agad akong umiling.
Sabi niya ay appology accepted kaya hindi na kami magkaaway ngayon.
“Hindi na...may inaasikaso lang yata,” sabi ko.
“Dumadalas na ang pag-absent niya, ah?” sabi ni Bernie.
“Kaya nga. Sana naman ay huwag na siyang aabsent this next week,” sabi ni Catherin at biglang sumigla ang mukha ni Bernie
“Ay! Next week ay December na! Yiie!” Tili ni Bernie at nahawa naman si Catherin.
Pati sila Samuel at Sandro ay napangiti nang marinig iyon kaya kumunot ang noo ko dahil sa inasta nilang lahat.
“Ano naman mayroon sa December?” Kunot noong tanong ko dahilan para matigilan silang lahat at napatingin da akin.
“Seriously?” Hindi makapaniwalang tanong ni Catherin.
“Ay, nga pala! Transferee sila,” sabi ni Sandro at tumango-tango naman ang tatlo.
“Tuwing December kasi ay may program kami dito,” sabi ni Samuel.
'Program? Hindi ako informed dito, ah? Maski sila Mommy ay hindi sinabi sa akin'
“Anong program?” Tanong ko.
“It's a whole month program and we call it here 'December to remember' ” sagot ni Sandro.
BINABASA MO ANG
Black and Pastel | ✓
AcciónThe Cuanco twins transferred in a school to get a new start. They were bullied because both of them have bizzare looks. They are both perculiar in their own ways. One who prefer all black as her overall style and one who's as colorful as a rainbow...