Chapter 15
Owner
Black’s POV
Matapos naming kumain ng tanghalian ay muli kaming nagbalik sa paggawa ng proyekto namin. Muli nilang binago ang mga gamit sa loob ng green screen dahil ibang place namang ang gagawin para sa scene na ito.
Kasalukuyang vinivideo namin ang fourth scene kung paano nagmove on si girl sa nangyaring aksidente kay boy.
Tahimik ko lang silang pinapanood at tinitignan kung paano kagaling dalhin nila Catherin ang bawat linya na sinulat ko na ako mismo ay napagdaanan ang mga iyan.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at ito ang napili kong gawing istorya sa proyekto namin.Alam kong delikado ito lalo na’t nakakaalala na siya at sa tingin ko, sa bawat eksena ay puwedeng makatulong sa kaniya.
Hindi naman sa ayaw kong maka-alala siya, gusto ko pero tanggap kong hanggang duon nalang. Hindi na babalik ang dati at mananatili na kami sa ganitong pamumuhay.
He’ll live without remembering our past and I’ll live trying to forget everything and bury them to the ground.
Hindi man kaparehong-kapareho ang mga salitang isinulat ko pero alam kong maihahaintulad ko iyon sa nakaraan namin. At imbis na dalhin ko iyon sa normal na takbo ngayon ay iniba ko ang wakas. Gusto kong ako na mismo ang pipili ng wakas sa aming storya.
Hindi ko ipapalabas na katulad nga ng sinabi ni Kuya na naghabol ang babae at ginawang naka-move on na ang babae at masaya na sa iba.
Hindi pa man ako tuluyang nakakalimot ay alam kong darating iyon sa puntong iyon at makakahanap rin ako ng para sa akin na hindi ko muna inaatupag ngayon dahil mas marami akong kailangang gawin.
Nahagip siya ng mata ko at napabuntong hininga nalang at bumaling sa kapatid ko na kasalukuyang seryosong-seryosong kumukuha ng video kay Catherin.
Sa eksenang ito, tanging si Catherin lang ang aarte dahil ito ay ang kanyang point of view na kung saan ay nagpasya siyang makalimot na.
Madali lang ang eksena na ito at dahil iisa lang ang videographer namin at kailangang maraming angulo, maraming beses namin iyong ginawa. Ito na ang huling eksenang gagawin namin at magpapahinga na kami saka kakain bago sila umuwi.
Napukaw ng atensyon ko ang aso ko na bigla-bigla nalang tumahol. Nasa gilid siya ng upuan ko at iwinawagayway ang kanyang buntot habang labas ang kaniyang dila na nakatingin sa akin.
Kinuha ko siya at inilagay sa hita ko habang hinahaplos ang kanyang ulo. Natahimik naman ito at humiga sa hita ko.
Alam kong gusto lang nito ng atensyon at dahil busy ako ay hindi ko siya mapagtuonan ng pansin.
Nahagip pa ng mata ko si James na tumingin sa gawi namin saka ngumisi bago muling tinuon ang atensyon niya sa ginagawa.
“Your dog is cute,” Biglang sabi ni Sandro na nasa tabi lang din at nanonood.
”Thanks,” sabi ko at tinignan ang aso ko na ngayon ay nakapikit na habang dinadama ang bawat haplos ko sa kaniya.
“Matagal na ba iyan sa ’yo?” Tanong niya muli.
“Hmm...like, one year and a half months,” sabi ko.
“Ang cute nga pero matapang. Maliban nalang sa inyo ni James,” sabi ni Bernie at wala sa sariling napangisi ako.
‘Of course, she would love James, he was the real owner of Fluffy’
“Bakit Fluffy ang pangalan niya?” Tanong pa ni Bernie.
BINABASA MO ANG
Black and Pastel | ✓
ActionThe Cuanco twins transferred in a school to get a new start. They were bullied because both of them have bizzare looks. They are both perculiar in their own ways. One who prefer all black as her overall style and one who's as colorful as a rainbow...