Chapter 4
Misunderstood
Samuel’s POV
“Are you okay?!” Agad na tanong ni Sandro kay Cally nang makadating kami sa clinic.
Nakarating sa amin amg balita kanina ang nangyari sa cafeteria. Gusto kong sisihin ang sarili ko dahil wala ako duon kanina para ipagtanggol man lang si Shane.
Napag-utusan kasi kami kanina ni Sandro ng isang teacher na magbuhat ng mga bond paper para ilagay sa faculty.
“Y-Yeah...pero si Shane ay hindi pa rin gumigising,” sabi niya kaya agad kong hinawi ang kurtina at bumungad sa akin ang tulog na si Shane.
Kung titignan mo ay parang normal lang syang natutulog pero mayroon siyang benda sa ulo. Agad na nagtagis ang bagang ko habang nakatingin sa kaniya.
‘Who the fuck did this to her?’
“Anong nangyari?” Tanong ko at lumapit sa gilid ng kama ni Shane.
“Sinipa siya sa ulo nung Black na ‘yon kanina,” sabi ni Cleo na isa pang kaibigan nila Shane.
Agad na uminit ang ulo ko sa sinabi niya. Black kicked Shane that’s why she’s lying here in the clinic unconcious.
‘What. The. Hell?!’
Hindi ko alam kung gaano siya kalakas para gawin niya ito kay Shane pero foul naman na ang ginawa niya. What if Shane got a major injury because of what she did?!
“That girl! Sumusobra na siya!” Nanggagalaiti na sabi ko at at tumayo para umalis na sana ng clinic pero hinawakan ako ni Sandro sa braso dahilan para matigil ako sa pag-alis. “What?!”
“Huwag kang gagawa ng gulo! Hintayin muna natin ang paliwanag ni Shane,” sabi niya.
“No!” Singhal ko at puwersahan na inalis ang braso ko sa pagkakahawak niya.
Wala nang dapat ipaliwanag dahil iyan na ang bunga. Mabilis akong naglakad papuntang pintuan para hindi na nila ako mahabol at mapigilan.
“Samuel!” Rinig ko pang tawag niya pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa pag-alis.
Wala akong pake kung may mga teachers na nakakita sa akin na tumatakbo at binabalaan ako na class hour na. Hindi ko sila pinansin dahil masyadong mainit ang ulo ko para harapin sila ngayon. Kailangan kong kausapin ang Black na iyon!
Isa lang ang alam kong pwede niyang mapuntahan ngayon, ang dean’s office.
Malapit na ako sa dean’s office pero nahagip ko sa gilid ng mata ko ang bulto ni Black na naglalakad papunta sa kaliwa kung saan nanduon ang gym.
Normal siyang naglalakad pero halata na ang inis sa mukha niya pero hindi iyon nagpatigil sa akin. Humugot ako ng malalim na hininga saka binilisan ko pa ang paglalakad ko para maabutan ko siya.
Nang makalapit ako sa kanya ay agad kong hinatak ang braso niya dahilan para matigilan siya sa paglalakad at gulat na tumingin sa akin.
“What the he—”
“Anong ginawa mo kay Shane?!” Galit na putol ko sa kaniya.
Saglit siyang natigilan bago sumilay ang sarkastikong ngisi niya pero walang emosyon ang kanyang mga mata na nakatingin sa akin.
“Oh? The knight in shinning armor protecting his princess?” Sarkastikong tanong niya at biglang kumirot ang sintido ko pero hindi ko iyon pinansin.
BINABASA MO ANG
Black and Pastel | ✓
ActionThe Cuanco twins transferred in a school to get a new start. They were bullied because both of them have bizzare looks. They are both perculiar in their own ways. One who prefer all black as her overall style and one who's as colorful as a rainbow...