Chapter 29

15 3 0
                                    

Chapter 29

Sans Naps












Zhieras POV

Natawa siya nang marinig ang malakas na pag-angil ko sa kaniya.

“Mag-ayos na kayong dalawa. Mag-aagahan na at nanduon na silang lahat sa hapagkainan. Kayo nalang ang wala,” sabi ni Aida.

“Malamang. Nakitang nandito pa kami, ‘di ba?” Sarkastikong sabi ko saka tumayo mula sa kama.

Natawa lang si Aida bago niya nilisan ang kwarto ko at bumaling ako kay James na nakatingin sa akin ngayon.

“What?!” Angil ko.

Hindi siya nag-angat ng tingin sa akin at nakita kong nanatili ang tingin niya sa kama bago tinignan ang hita ko.

“Is it that time of the month?” Tanong niya sa akin at kumunot ang noo ko.

“What are you talking about?” Kunot noong tanong ko.

“The sheets are red and the sides of your shorts too. So I guess it's that time of the month,” sabi niya at agad na nanlaki ang mata ko.

Agad na napabaling ako sa higaan at nakita kong may mantsa nga ng dugo duon. Kaonti lang iyon kaya panigurado akong kakaumpisa pa lang at malamang ay dahil nadaganan ang short ko kaya humawa ang dugo duon.

Agad na namula ang pisngi ko saka hindi na malaman ang gagawin lalo na't tumingin siya sa akin.

“W-What the hell are you waiting for?” Nauutal na tanong ko at kumunot ang noo niya.

“What?” Inosenteng tanong niya

“Get me some sanitary napkins and new clothes, asshole! Para mapakinabangan ka naman at hindi puro inis ang binibigay mo sa akin!” Angil ko at natawa siya.

“Oh! Wait! Don't shout at me,” Natatawang sabi niya.

Kinuha ko ang unan at akmang itatapon ko na sa kaniya nang tumatakbo siyang umalis ng kwarto ko. Napailing nalang ako at napabuntong hininga saka muling napabaling sa kama kung saan ay kitang-kita ang dugo duon.

Muling namula ang aking pisngi sa kahihiyan at lalo na nang maalala ang katotohanan na katabi ko siya nang magkaroon ako.

'Damn, Havoc. He's making me feel mixed emotions in the morning. Angry and embarrased. Shit!'

Napailing nalang ako at pumasok sa banyo. Hindi naman nagtagal ay nakarinig ako ng katok mula sa labas.

“What?" Masungit na tanong ko.

“Your clothes and sans naps are here. Where should I put these?” Tanong niya.

'What the hell? Sans naps? Where did he get those words?'

“Leave it at the doorknob and leave my room,” sabi ko.

“Okay. It's in a paper bag, by the way” sabi niya. “And I already called the crew to clean your bed up,” Dagdag niya bago ko narinig ang mga yabag niya palayo.

Nang masigurong wala na siya ay kinuha ko ang paper bag mula sa door knob at inilagay iyon sa tabi bago ako nagsimulang maglinis ng sarili.

Mabuti nalang at kumpleto ang gamit ng banyo at maski ang mga tuwalya ay nanduon. Nang matapos akong maglinis ng katawan ay kinuha ko ang paper bag para gamitin ang dinala ni James.

Ayos naman siya, it has sanitary napkin, it has brand new undergarments and a brand new clothes but the issue is, it is a fucking white dress!

Kung kanina ay kalmado ako ay ngayon ay parang sasabog na ulit ako. Iisipin ko palang na kapag natagusan ko ito ay ako rin ang maghihirap na maglaba nito!

Black and Pastel | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon